Board Member Sanchez, Pormal na Nagbitiw sa Pwesto

Mga Trabaho sa Local at Overseas, Muling Hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
April 17, 2018
April 18, 2018

Kinatawan ng Philippine Councilors League – Batangas Province. Si Board Member Mildred B. Sanchez (kanan), Pangulo ng Philippine Councilors League (PCL) – Batangas Province, habang nasa isa sa mga Regular Sessions ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas sa Capitol Compound, Batangas City. Nagbitiw na sa puwesto bilang bokal at pangulo ng PCL si Sanchez, na hahalinhan ni Ginoong Leo Malinay (kaliwa), na Konsehal ng Bayan ng Lian. Photos: Eric Arellano & Michael Manansala (OVG) – Batangas Capitol PIO

Pormal na nagbitiw na sa puwesto si Board Member Mildred B. Sanchez sa Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, na kanyang ipinahayag sa harap ni Bise-Gobernador Nas Ona at iba pang mga board members sa idinaos na Regular Session noong ika-16 ng Abril 2018 sa Sanggunian Bldg, Capitol Compound, Batangas City.

Ayon kay Sanchez, bilang isang Ex-Officio at naging presidente ng Philippine Councilors League (PCL) – Batangas Province ng lalawigan sa loob ng dalawampu’t isang buwan, napakaswerte niya at napabilang siya sa Sangguniang Panlalawigan na isa sa pinakamakulay na karanasan niya sa kanyang buong karera sa larangan ng pulitika.

Kaugnay dito, kanyang inindorso ang Pangalawang Pangulo ng PCL – Batangas Province na si Konsehal Leo Malinay mula sa Munisipalidad ng Lian bilang kanyang kahalili sa pagiging PCL President at Board Member.

Isinaad din ni Sanchez na nais pa niyang pagsilbihan ang buong lalawigan, subalit kailangan na muna niyang bumalik sa paglilingkod sa bayan ng Nasugbu, kung saan baon niya ang lahat ng kanyang natutunan sa pagiging Board Member para mas maayos na mapaglingkuran ang bayang kanyang pinagmulan. – Marinela Jade Maneja; Batangas Capitol  PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.