September 26, 2019
Matapos makapagtala ng mga bagong polio cases ngayong 2019, matapos ang 19 na taong pagiging polio-free ng bansa, binigyang-diin ni 2nd District Board Member (BM) Arlina Magboo ang kahalagahan ng vaccination, hindi lamang para maiwasan ang sakit na polio, kundi pati na rin ang mga tumamang epidemya ng dengue at measles.
Ginawa ito ni BM Magboo sa isang privilege speech noong 12th regular session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, Magboo, chairperson ng Committee on Health and Sanitation, sa kanyang privilege speech noong 12th regular session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas noong ika-23 ng Setyembre 2019.
Aniya, nararapat lamang na manawagan sa Provincial Health Office, at sa mga local government units (LGUs) ng lalawigan upang maging masigasig ang mga ito sa pagbibigay ayuda sa mga mamamayan at matulungan ang mga itong makaiwas sa mga naturang sakit.
Dagdag pa nito, importanteng maituro sa publiko ang kahalagahan ng vaccines, lalo’t higit, para sa mga bata na madaling tamaan ng mga sakit o maapektuhan ng iba’t ibang virus sa kadahilanang mahina pa ang immune system ng mga ito.
Samantala, ipinaalala rin ng bokal ang pagpapatibay ng implementasyon ng sanitation code sa lalawigan, bilang precautionary measure sa pagkakaroon ng virus na nagmumula sa mga maduming kapaligiran.
Marinela Jade Maneja – Batangas PIO Capitol