Blood Samaritan Gold Award Iginawad ng Red Cross kay Gov. Mandanas

Batangueño Sharp Shooter, Binigyang Pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
October 16, 2018
Gov. Dodo Naghain na ng CoC Para Gobernador; Pinabulaanan ang Pag-urong ng Kandidatura
October 18, 2018

October 16, 2018

Ginawaran ng pagkilala bilang Blood Samaritan Gold Awardee ng Philippine Red Cross si Batangas Governor Hermilando Mandanas dahil sa patuloy na pagsuporta nito sa mga proyekto ng Red Cross na naglalayong makatulong sa mga Pilipino sa kanilang pangangailangan sa dugo.

Ang paggawad ng pagkilala ay nilagdaan ni Philippine Red Cross National Chairperson Richard Gordon at personal na inihandog ng mga opisyal ng Philippine Red Cross Batangas Chapter, sa pangunguna ni Mr. Ronald Generoso, at Batangas Provincial Health Office, sa pamumuno ni Dr. Rosvilinda Ozaeta at Dr. Merlin Salud. Naging saksi sa pag-aabot ng sertipiko sina Provincial Administrator Levi Dimaunahan, Batangas SK Federation President Board Member Hanna Cabral at 1st District Board Member Glenda Bausas.

Kinilala ng Red Cross ang mabuting hangarin ni Governor Mandanas matapos itong magkaloob ng halagang P500,000 donasyon upang suportahan ang blood collection activity ng Blood Samaritan Program ng Red Cross sa Pilipinas .

Ang Blood Samaritan ng PRC ay isang charity program sa ilalim ng National Blood Service na naglalayong tulungan ang mga ospital sa buong bansa, sa tulong ng mga may pinansiyal na kakayahang indibidwal at mga samahan, upang agarang makapagbigay ng blood services, tulad ng blood processing fees para sa mga indigents na kinakailangang sumailalim sa blood transfusion procedures. / Edwin V. Zabarte-BatangasPIO- Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.