Blessing and Inauguration ng Provincial Evacuation Center sa Taysan, Batangas, Isinagawa

Notice of Vacant Positions
February 3, 2020
Hakbang sa Paglaban sa 2019 Novel Corona Virus, Ikinasa na ng Pamahalaang Panlalawigan
February 6, 2020

February 4, 2020

Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Blessing and Inauguration ng bagong Provincial Evacuation Center sa Bayan ng Taysan, Batangas noong ika-1 ng Pebrero 2020.

Ang Provincial Evacuation Center ay kasalukuyang nagsisilbing pansamantalang tirahan ng 45 pamilyang mga evacuees mula sa mga bayang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal. Ang istrakturang ipinagawa ng pamahalaang panlalawigan ay itinayo sa lupang donasyon ni Dr. Dante Banta at ng kanyang mga kapatid.

Ayon kay Dr. Banta, naging posible ang pagkakaroon ng evacuation center sa Taysan dahil sa suporta at malasakit ni Gov. DoDo Mandanas.

Sinimulan ang aktibidad ng isang misa ng pasasalamat, kasama ang mga pamilyang tumutuloy sa evacuation center. Pagkatapos nito, isinagawa, sa pangunguna ni Gov. Mandanas, ang pormal na turn-over ng susi ng pasilidad kay Taysan Mayor Grande Gutierrez.

Sa mensahe ng gobernador, nagpasalamat siya sa pamilya Banta sa pagkakaloob ng lupang napagtayuan ng evacuation center.

Kasama sa mga dumalo sina Atty. Regina Mandanas, mga Department Heads ng Kapitolyo at mga empleyado ng Pamahalaang Bayan ng Taysan.

Naging panauhin din ang gobernador sa isinagawang Medical Mission ng Taysan Batangas International Association.

Junjun Hara De Chavez, Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.