Bilang, Katatayuan ng mga Empleyado ng Kapitolyong may COVID-19, Iniulat

Suporta sa mga Private Schools sa Lalawigan ng Batangas, Isinusulong ni Gov. Mandanas
December 6, 2020
Notice of Award – Purchase of 4,899 sacks Sinandomeng Rice, 25 kilos (packed by 5 kilos) to be distributed to different sectoral groups, indigent families and farmer group
December 7, 2020

December 6, 2020

64 na mga kawani na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang nag-positibo sa COVID-19 virus simula nang magdeklara ng pandemya, na karamihan ay mga medical personnel at frontliners na naglilingkod sa mga provincial at district hospitals.

Sang-ayon ito sa ulat na ipinasa ng Provincial Health Office (PHO) noong ika-4 ng Disyembre 2020 kay Gov. DoDo Mandanas, na humingi ng updated report sa bilang at katatayuan ng mga empleyadong nahawa ng nasabing sakit.

34 sa mga ito ang gumaling na at muli nang nagtatrabaho, samantalang 16 ang asymptomatic cases. 14 ang kasalukuyang nagpapagaling sa mga isolation facilities, habang 1 ang binawian ng buhay.

Tuloy-tuloy naman ang ibinibigay na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga kawani nito, na patuloy ang paglilingkod sa kabila ng umiiral na pandemya, kabilang ang pagpapatupad ng Work From Home scheme upang hindi magsabay-sabay ang mga tao sa mga tanggapan, pamamahagi ng vitamins at face masks, at pagkakaloob ng ayuda.

Ilang beses na ring nakapagsagawa ang pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ng PHO, ng libreng swab testing para sa mga empleyado.

Sa pagganap naman sa tungkulin, muling ipinaalala ni Gov. Mandanas sa mga empleyado na tiyakin ang regular na pagsunod sa mga itinakdang health and safety protocols, kabilang ang Hugas, Iwas, Mask; stay home policy para sa mga may co-morbidity, senior citizens na 65 years and above, at mga batang 14 na taong gulang pababa. Lagi rin niyang bilin sa mga frontliners na dapat maging Handa, mag-Ingat, at maging Magiting.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.