BFAR IV-A: “Walang outbreak, ligtas kainin ang tilapia”

Operasyon ng Unang COVID-19 Lab sa Batangas Province, Sinimulan na
June 24, 2020
Batangas Provincial Service Incentive para sa mga Barangay Tanod, Ipinamahagi na
June 26, 2020

June 25, 2020

“Walang katotohanan ang mga balitang may outbreak ng sakit sa mga tilapia sa Lawa ng Taal.“

Ito ang mariing pahayag ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources IV-A Regional Director Sammy A. Malvas.

Sa panayam sa B’yaheng Kapitolyo, ang opisyal na radio program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sinabi ni RD Malvas na kung may naitatala mang fish mortality sa lawa ay dahilan umano sa pagbaba ng kalidad ng tubig, bunsod nang pabago-bagong lagay ng panahon at hindi dahil sa nababalitang pagkalat ng Acute Hepatopancreatic Necrosis Disease / Early Mortality Syndrome (APHND/EMS) at ng Tilapia Lake Virus.

Dagdag pa ni Malvas, mas pinaigtigting pa nila ang patuloy na pagtatakda ng health certificate para sa mga inaangkat na mga tilapia fingerlings at fry upang mapangalagaan ang industriyang ito ng lalawigan, sang-ayon sa kanilang biosecurity measures sa ilalim ng Fisheries Order No. 100 at No. 241.

Nilinaw din niya na hindi naman kailangan ng health certificate ng mga isdang dadalhin na sa mga pamilihan, mula sa lawa.

Siniguro rin ni Director Malvas na ligtas kainin ang mga tilapia at hindi rin banta sa kalusugan ng publiko ang sinasabing tilapia virus.

Jun Magnaye – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.