Best Marine / Mangrove Protected Areas, Kinilala ng Batanga Capitol

18-Day Campaign to End Violence Against Women Sinumalan na sa Batangas
December 6, 2018
2018 Batangas Province Local Legislative Awards, Ginanap
December 10, 2018

Batangas Province’s Best Protected Mangrove Areas. Tinanggap ni Lobo Mayor Jurly Manalo, bilang kinatawan ng Lagadlarin Mangrove Forest Conservation Area, ang award bilang 2nd Placer sa kategoriyang Outstanding Mangrove Protected Areas sa isinagawang Batangas Recognition Awards for Verde Passage’s Outstanding (BRAVO) Marine/Mangrove Protected Areas noong ika-8 ng Disyembre 2018 sa The Outlets at Lipa, Lima Technology Center, Lipa-Malvar, Batangas. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

December 10, 2018

Batangas Province’s Best Protected Mangrove Areas. Tinanggap ni Lobo Mayor Jurly Manalo, bilang kinatawan ng Lagadlarin Mangrove Forest Conservation Area, ang award bilang 2nd Placer sa kategoriyang Outstanding Mangrove Protected Areas sa isinagawang Batangas Recognition Awards for Verde Passage’s Outstanding (BRAVO) Marine/Mangrove Protected Areas noong ika-8 ng Disyembre 2018 sa The Outlets at Lipa, Lima Technology Center, Lipa-Malvar, Batangas. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Isinagawa sa ikatlong pagkakataon ang Batangas Recognition Awards for Verde Passage’s Outstanding (BRAVO) Marine/Mangrove Protected Areas and Bantay Dagat kung saan ginawaran ng parangal ang mga natatanging munisipalidad na patuloy ang ginagawang pagkilos upang mapangalagaan at mabigyan ng proteksiyon ang yamang dagat ng Lalawigan ng Batangas.

Ang nasabing programa, sa pangunguna ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), na pinamumunuan ni Mr. Luis Awitan, ay ginanap kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-437 taong pagkakatatag ng lalawigan noong ika-8 ng Disyembre 2018 sa The Outlets at Lipa, Lima Technology Center, Lipa-Malvar, Batangas.

Kinilala ang Bantay Dagat ng Calatagan, Batangas bilang Outstanding Bantay Dagat, na sinundan ng Fishery Law Enforcement Assistance Team (FLEAT) Sigwada Team ng Balayan bilang 2nd Place; habang kapwa nakamit ng Calaca Bantay Dagat at Bantay Dagat Network ng San Juan ang ikatlong pwesto.

Nasungkit naman ng Calatagan Mangrove Forest Conservation Park, “Ang Pulo,” ang titulong Outstanding Mangrove Protected Area, na sinundan ng Lagadlarin Mangrove Forest Conservation Area ng Lobo (2nd place) at Calatagan Mangrove and Nursery Rehabilitation Area (3rd place).

Sa larangan ng Outstanding Marine Protected Areas, ang Malabrigo Fish Sanctuary and Refuge sa bayan ng Lobo ang nanguna, habang 2nd Placer ang San Pablo de Bauan Marine Protected Area at 3rd Placer ang Kayreyna Marine Protected Area ng Lian.

Ang mga pagkilala ay pormal na iginawad ni Governor Dodo Mandanas, katuwang sina First Gen Inc. Vice President for External Affairs and Security, Mr. Ramon J. Araneta, at Department of Social Welfare and Development Assistant Secretary Anton Hernandez.

Ang nasabing paggagawad ng environmental awards ay inilunsad noong taong 2013 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, katuwang ang First Gen at Conservation International-Philippines, na may layuning mapanatili ang interes ng mga tagapamahala ng Marine Protected Areas (MPA), lalo na ng mga focal persons sa mga lungsod at munisipalidad; malutas ang mga pagwawalang-bahala ng mga LGUs; at makakuha ng suporta mula sa iba’t-ibang institusyon.

Samantala, bukod sa tanggapan ng PG-ENRO, naging bahagi rin ng BRAVO Awards ang mga evaluators, na binubuo ng mga biophysical, socio-economic at institutional specialists mula sa Batangas State University, De La Salle Lipa, University of Batangas, Conservation International at Malampaya Foundation, na naging susi upang mahirang ang mga nagsipagwagi. Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.