BDS 2019 Nakatuon sa Pagkamit at Pagpapanatili ng Kaunlaran sa Lalawigan ng Batangas

Notice of Vacant Position
January 17, 2019
104th Lian Foundation, 74th Nasugbu Landings and Liberation Day Anniv Ipinagdiwang
January 31, 2019

Supporting the growth and development of the Province of Batangas. Kinilala at ginawaran ni Governor Dodo Mandanas ng Keys to the Province of Batangas ang ilang mga foreign investors sa kanilang ipinakitang suporta at malaking ambag sa pagtaguyod ng kaunlaran ng probinsya sa ginanap na 11th Batangas Development Summit noong ika-25 ng Enero 2019 sa Lima Park Hotel, Lipa-Malvar, Batangas. ✎Mark Jonathan M. Macaraig / Photo by: JhayJhay Pascua – Batangas Capitol PIO

January 28, 2019

Supporting the growth and development of the Province of Batangas. Kinilala at ginawaran ni Governor Dodo Mandanas ng Keys to the Province of Batangas ang ilang mga foreign investors sa kanilang ipinakitang suporta at malaking ambag sa pagtaguyod ng kaunlaran ng probinsya sa ginanap na 11th Batangas Development Summit noong ika-25 ng Enero 2019 sa Lima Park Hotel, Lipa-Malvar, Batangas. ✎Mark Jonathan M. Macaraig / Photo by: JhayJhay Pascua – Batangas Capitol PIO

Muling nagsama-sama ang mga kilala at respetadong personalidad sa iba’t-ibang larangan mula sa pribado at pampublikong sektor ng negosyo at pamumuhunan, akademya at lokal na pamahalaan sa ginanap na 11th Batangas Development Summit (BDS) upang magbahagi ng mahahalagang pananaw sa pagkamit, paglikha, at paglinang ng kaunlaran sa Lalawigan ng Batangas.

Ang nasabing pagtitipon ay isinagawa noong ika-25 ng Enero 2019 sa Lima Park Hotel, Lipa-Malvar, Batangas.

Sa gabay ng temang “Live, Study, Work, and Have Fun in Rich Batangas”, ang usapin sa negosyo, turismo, ekonomiya, at panlipunang pag-unlad ng probinsya ang naging sentro ng pagpupulong.

Tampok sa programa ang paggagawad ng Key to the Province of Batangas ni Governor Dodo Mandanas sa mga sa mga piling dayuhan at Pilipinong lider na nagtatrabaho at nag-aambag sa Lalawigan. Ang parangal ay simbolo sa pagkakaroon ng suporta, mabuting pakikisama at pagpapahalaga sa paglago at pag-unlad ng Batangas.

Ang mga pinarangalan ngayong taon ay sina EPSON Precision Philippines President Mr. Takei Akifumi; Sohbi Kohgei Vice President, Mr. Toshihiro Matsuura; Littelfuse Incorporated Director of Philippine Operation, Mr. Siva Prasad Reddy; Nestle Lipa Factory Manager, Mr. Volker Hoeller; ARTNATURE Incorporated President, Mr. Hisayuki Kawazoe; Cargill Joy Poultry Meats Production Country Director, Mr. Juan Jose Gomez; at Solar Philippines Chief Executive Officer, Mr. Leandro Leviste.

Sa naging mensahe ni Governor Mandanas lubos ang kaniyang pasasalamat sa mga business leaders, industry stakeholders, mga government executives at miyembro ng academic community na naging daan umano sa pagyabong at pagkakaroon ng mas higit pang mayamang probinsya.

Dagdag pa ng gobernador, marami pa ang dapat gawin at tuloy-tuloy lamang ang ginagawang hakbang o aksyon ng Pamahalaang Panlalawigan para mabigyang katuparan ang mga layunin at ambisyon para sa ikauunlad hindi lamang ng Batangas kundi pati na rin ang rehiyon ng CALABARZON at ng buong bansa.

Ang Batangas Development Summit, sa ika-labing isang taon nito, ay muling inorganisa ng First Asia Institute of Technology and Humanities (FAITH) Colleges. Ito ay unang isinagawa noong taong 2002 bilang isang biennial event at nakilala bilang North Batangas Summit. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
11

Comments are closed.