“Bayad Pinsala” Ipinagkaloob sa mga Magsasaka, Mangingisdang Napinsala ng Pagputok ng Bulkang Taal

Notice of Vacant Position
February 19, 2020
SITUATIONAL REPORT NO. 117 RE: EFFECTS OF TAAL VOLCANO ERUPTION 25 FEBRUARY 2020, 1700H
February 25, 2020

February 24, 2020

Isinagawa ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), ang ahensiyang responsible sa pagpapatupad ng agricultural insurance program ng pamahalaan at ahensyang nasa ilalim ng Department of Agriculture, ang pamamahagi ng indemnity checks sa mga apektadong Batangueño na ang hanapbuhay ay nasa sector ng agrikultura sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City noong ika-21 ng Pebrero 2020.

Nakiisa si Gov. DoDo Mandanas sa paggagawad ng insurance claim o “bayad pinsala” ng 407 na mga magsasaka, mangingisda at livestock raisers na direktang naapektuhan ng pagputok ng Bulkan Taal. Umabot sa kabuuang halaga na ₱5, 651, 260 ang ipinamahagi ng PCIC.

Layunin ng PCIC na kaagad mabayaran ang mga napinsalang kabuhayan upang magkaroon muli ng panibagong puhunan ang mga magsasaka at mangingisda.

Kabilang sa mga nakiisa sa isinagawang pagtitipon sina PCIC Chairperson, Mr. Crisologo Ignacio, at PCIC President, Atty. Jovy C. Bernabe, na hinikayat ang mga magsasaka at mangingisda na patuloy na dumalo sa mga pagsasanay na may kinalaman sa agrikultura upang mas madagdagan ang mga kaalamang makapagpapaunlad ng kanilang kabuhayan.

Sa naging panayam kay Mr. Patricio Carlito, isang Banana Farmer mula sa Bayan ng Talisay, at isa sa tumanggap ng tulong pinansyal mula sa PCIP, sinabi nitong malaking tulong ang pera upang makabili muli ng mga pananim at makapagsimula na magkaroon ng pagkakakitaan. Ayon sa kanya, dahil sa abo, wala ng mapapakinabangan sa kanyang mga pananim na sitaw at kalabasa.

Kasama rin sa programa si Batangas Provincial Agriculturist, Engr. Pablito Balantac.

Junjun Hara De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.