Batangueñong StarStruck Season 7: Ultimate Male Survivor, kinilala sa Kapitolyo

Notice of Vacant Position
October 8, 2019
Vice Gov. Leviste, nag-ulat sa unang 100 araw ng panunungkulan
October 9, 2019

October 9, 2019

Ipinakilala sa mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, si Kim de Leon, isang Batangueño na nakipagtagisan ng galing at talento sa katatapos lamang na StarStruck Season 7, noong ika-7 ng Oktubre 2019 sa Provincial Auditorium, Batangas City.

Ang 19 na taong-gulang na si de Leon, na mula Balayan, Batangas, ang itinanghal na Ultimate Male Survivor ng StarStruck, isang reality show ng GMA Network, na naglalayong makatuklas ng mga bagong artista. Naganap ang awarding noong ika-15 ng Septyembre 2019 sa GMA Network Center sa Quezon City.

Nagpasa ng isang resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Vice Gov. Mark Leviste at mga board members, upang kilalanin ang kanyang naging tagumpay at ibinahaging dangal para sa Lalawigan ng Batangas, at isang token na Balisong.

Bryan Mangilin – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.