Batangueño Senior Citizens’ Week 2018, ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan

31st Prison Awareness Week celebration, idinaos sa Batangas Provincial Jail
October 30, 2018
Batangueño Best Male Speaker sa Thailand debate, Kinilala ng Batangas Capitol
October 30, 2018

October 30, 2018

Mahigit 700 senior citizens mula sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod sa lalawigan ng Batangas ang dumalo sa pagdiriwang ng taunang Senior Citizen’s Week noong ika-30 ng Oktubre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Sa gabay ng temang “Kilalanin at Parangalan: Tagasulong ng Karapatan ng Nakatatanda Tungo sa Lipunang Mapagkalinga” , layunin ng selebrasyong bigyang pugay ang mga nakatatanda sa lalawigan.

Sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na pinamumunuan ni Ms. Jocelyn Montalbo, opisyal na sinimulan ang programa kung saan nagbigay ng kanilang mensahe sina 1st District Board Member Junjun Rosales, 5th District Board Member Claudette Ambida, 2nd District Board Member Arlina Magboo, 3rd District Board Member Divina Balba at 5th District Board Member Arthur Blanco; na sinundan ng pagbibigay ng update ukol sa Senior Citizens Program na tinalakay ni Ms. Florita Lachica, PSWDO Assistant Department Head.

Nagsilbi namang panauhing pandangal si Gov. Dodo Mandanas na lubos na ikinatuwa ang pagsisikap na ginagawa ng pamahalaang panlalawigan upang maitaas ang kamalayan sa mga pangangailangan ng senior citizens, hindi lamang sa Batangas kundi pati na rin sa buong bansa.

Kaugnay dito, nagkaroon ng mga paligsahan sa larangan ng pag-awit at folk dance na nilahukan ng ilang dumalong senior citizens na nagpakitang hindi hadlang ang katandaan sa pagpapamalas ng angking talento. ✎ Marinela Jade Maneja, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.