Batangueño PWDs, nakiisa sa 41st Disability Prevention & Rehabilitation Week Celebration sa Rizal

Corn Farmers ng Lalawigan, pormal na nagsipagtapos sa Maiskwelahan
September 2, 2019
Mrs. Philippines Batangas 2019 Pageant, isinagawa sa unang pagkakataon
September 4, 2019

September 04, 2019

Loyalty Pledge of an Advocate of the Rights of Persons with Disabilities. Sabay-sabay na nanumpa ng Pledge of Loyalty ang mga pangulo ng Persons with Disability associations ng bawat probinsya ng CALABARZON Region noong ika-30 ng Agosto, 2019 sa SM City Masinag, Antipolo City, Rizal. Photo: Francis Japor – Batangas Capitol PIO

Kasamang nakiisa ang mga kinatawan ng Lalawigan ng Batangas sa ginanap na 41st National Disability Prevention & Rehabilitation Week Celebration para sa mga Persons with Disability (PWD) ng CALABARZON Region sa SM City Masinag, Antipolo City, Rizal noong ika-30 ng Agosto 2019.

Ang Batangueño delegation ay pinangunahan nina Ginoong Nelson R. Adante, Pangulo ng Batangas Provincial Federation of PWD Associations, at Ginang Sally Corollo, Pangulo ng mga Kababaihang May Kapansanan sa Lungsod ng Batangas.

Sa gabay ng temang “Lokal na Pamahalaan: Kaakibat sa Pagtupad ng Karapatan ng mga Taong May Kapansan,” ang aktibidad ay naisagawa sa pamamagitan ng mga local government units ng Lalawigan ng Rizal.

Naging tampok sa programa ang pagbibigay-diin sa mga nakalatag na programa ng gobyerno para sa nasabing sector. Kasama rito ang layuning patuloy na matalakay ang kahalagahan ng pagkilala sa mga PWDs, at ang mga batas at karapatan ng mga ito laban sa diskriminasyon at pangmamaliit, pati na rin ang wastong nutrisyon para sa mga ito.

Nagpamalas naman ng galing at gilas ang mga naging kalahok sa PWD Got Talent, kung saan nagpasiklaban ang mga contestants mula sa iba’t ibang bayan ng Region IV-A sa pag-awit at pagsasayaw.

Ayon kay Ginoong Adante, “Napakalaking bagay para sa kanila na naibabahagi sa karamihan ang talento na nakapagbibigay ng lakas ng loob at nakapagpapataas ng kanilang pride bilang mga PWD.” Dagdag pa ng pangulo ng mga PWDs sa Batangas, “Hindi maikakaila sa lakas ng palakpakan ang paghanga ng mga manunood, na sa kabila ng kapansanan, ay nakagagawa pa rin sila ng mga bagay na dala ng kanilang mga angking talino at talento.”

Isinagawa rin ang pagbigkas ng Loyalty Pledge ng mga pangulo at representante ng mga PWD Associations sa bawat rehiyon.

Francis Carlo L. Japor – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.