Batangueño PWDs, dumalo sa DOH Summit

Contingency planning para sa mga bagyo, binalangkas para sa Batangas Province
August 1, 2019
Pagpaparehistro ng mga anak na PWDs, ipinanawagan sa Lungsod ng Batangas
August 1, 2019

August 1, 2019

Kaugnay ng selebrasyon ng 41st National Disability Prevention and Rehabilitation Week, dumalo ang mga Persons with Disabilities (PWDs) ng Batangas sa PWD Summit na ginanap noong Hulyo 30-31, 2019 sa Ciudad Christhia Resort, San Mateo, Rizal.

Sa pakikipag-ugnayan ng Batangas Provincial Social Welfare and Development Office, 25 ang naging delegates ng lalawigan sa nasabing summit, sa pangunguna nina Batangas Province Persons with Disabilities Affairs Officer, Mr. Edwin Abellardo N. De Villa; at, Federation of Persons with Disabilities of the Province of Batangas Inc. (FPDPBI) President, Mr. Nelson Adante, na isa ring empleyado ng Pamahalang Panlalawigan ng Batangas.

Layunin ng dalawang araw na summit na mabigyan ng kaalaman ang mga PWDs sa pagpapaunlad ng kanilang katatayuan sa lipunan at maipadama na ang gobyerno ay handa sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.

Kabilang dito ay ang pagkakaroon ng isang supportive environment para sa mga may communication impairment, pagbabanghay sa Republic Act 11215 o mas kilala bilang National Integrated Cancer Control Act, Health and Wellness program, pagtalakay sa Universal Health Care, at ilang usapin na may kaugnayan sa PhilHealth tulad ng mandatory PhilHealth para sa mga PWDs.

Ayon kay Mr. Adante, labis din nilang ikinatuwa ang pagbibigay ng DOH ng mga libreng gamot at assistive devices – kagaya ng crutches, canes, walkers, wheelchairs, at mga hygiene kits para sa pangangalaga ng kanilang katawan.

Naging parte rin ng grupo mula sa Batangas si Mr. Gil Burog, ang representante ng Provincial Health Office at tumayong Summit coordinator para sa lalawigan.

Mark Jonathan M. Macaraig at Nelson Adante – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.