Batangueño PWDs, dumalo sa 2nd Semestral Meeting ng mga Focals at Federation Officers

4th Quarterly Honorarium para sa mga barangay tanod chiefs, ipinamahagi ng Kapitolyo
November 14, 2019
2019 Lakad para sa Pag-Asa ng Kabataan, nakalikom ng P1.2 Milyon
November 18, 2019

November 14, 2019

Dumalo at aktibong nakilahok ang mga Persons with Disabilities (PWDs) ng Batangas Province sa isinagawang 2nd Semestral Meeting for PWD Focals and Federation Officers ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office IV-A na ginanap noong ika-12 ng Nobyembre 2019 sa Tagaytay City, Cavite.

Sa pakikipag-ugnayan ng Batangas Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), 10 ang naging delegado ng lalawigan sa nasabing pagpupulong, sa pangunguna nina PSWDO Focal Person for PWDs, Ms. Joan Mae Mendoza; at, Federation of Persons with Disabilities of the Province of Batangas Inc. (FPDPBI) President, Mr. Nelson Adante, na isa ring empleyado ng Pamahalang Panlalawigan ng Batangas.

Layunin ng naturang meeting na mapag-usapan ang mga naging accomplishments para sa taong 2019, ang pagsasagawa ng ilang serye ng pagsasanay, at matugunan o mabigyang solusyon ang bawat hinaing at problema ng mga PWDs.

Naging sentro ng pagtitipon ang oryentasyon at workshop para sa World Food Programme (WFP) preparation, na tumalakay sa pagkakaroon ng inclusivity para sa mga taong may kapansanan pagdating sa mga serbisyo, sistematikong paggamit ng mga nakalap na impormasyon, at pagpapalawig ng mga adbokasiyang epektibong titiyak sa kanilang karapatan.

Bahagi rin ng isinagawang meeting ang sharing of highlights of Community Action and Resources for Accessible and Better Living Environment for PWDs o mas kilala sa tawag na CARe-ABLE. Ito ay isang interbensyon na nakabatay sa pamayanan na nagbibigay-daan sa mga taong may kapansanan na magkaroon ng mas mabilis na pagtugon para sa kanilang mga pangangailangan.

Ayon kay Mr. Adante, napakalaking tulong sa kanilang samahan ang pagbibigay kaalaman na hatid ng DSWD IV-A para mahikayat ang mga ito na palakasin pa ang kanilang kalooban, malaman ang kanilang karapatan, at maipabatid na hindi sila naiiba at maiiwan sa lipunan.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.