Batangueño Math Wizards, kinilala sa Kapitolyo

Child Development Workers Day, ipinagdiwang
July 15, 2019
RICH BATANGAS Ad Partners, kinilala sa Kapitolyo
July 15, 2019

July 15, 2019

Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, sina Carl Lance C. Garcia ng Bauan, Batangas at Kyla Margaret M. Garing ng Tanauan City, Batangas, na nakipagtagisan ng galing sa 2019 International Mathematics Wizard Challenge (IMWiC 2019) noong ika-16 hangang 17 ng Hunyo 2019 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Si Garcia, na estudyante ng Center of Excellence (CENTEX) Batangas, ay nagwagi ng medalyang pilak, habang si Garing, na mula sa paaralang Nova Escola, ay nag-uwi ng medalyang tanso.

Sina Garcia at Garing ay ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala, medalya at cash incentive ng mga opisyal ng Batangas Capitol sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-15 ng Hulyo 2019. Shelly Umali – Batangas Capitol PIO / Photo: Junjun De Chavez

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.