Batangueño Centenarians Ginawaran ng Insentibo ng Kapitolyo

Batangas Province to Open Quarantine Hub at Batangas International Port
May 13, 2021
Ayuda para sa Community Development Projects ng Ilang Barangay, Ipinamahagi sa Kapitolyo
May 15, 2021

May 15, 2021

Anim na Batangueño centenarians o mga indibidwal na may edad na isang daang taon pataas ang binigyan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ng insentibo noong ika-10 ng Mayo 2021 sa Provincial Social Welfare and Development Office, Capitol Site, Lungsod ng Batangas.

Tumanggap ng tag-dalawampung libong piso sina Petra Garcia Palicpic ng Banyaga, Agoncillo; Luisa Punzalan Banawa ng Pamiga, Agoncillo; Juan Orbita Gagalang ng Niyugan, Laurel; Natividad Manto Alcantara ng Talaga, Lungsod ng Tanauan; Aurora Gonzales Zaballero ng Poblacion, San Juan; at, Narciso Austria Royo ng Sico 2, San Juan.

Naisagawa ang pagbibigay ng pabuya para sa 4 na Batangueña at 2 na Batangueño, sa pakikipag-ugnayan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa pangunguna ni Ginang Joy Montalbo, at Provincial Office for Senior Citizen Affairs (POSCA) sa mga pamahalaang bayan at lungsod ng lalawigan.

Kabilang ang nasabing gawain sa mga isinusulong na programa ni Gov. Dodo Mandanas upang maalagaan at mabigyang-pansin ang mga senior citizens, partikular ang mga umaabot sa edad na 100 pataas.

Ayon sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority, maliit na bahagi lamang ng populasyon ng Pilipinas ang nabubuhay hanggang isang daang taon. Dahil dito, minarapat ng pamahalaan na parangalan at gawaran ng tulong at suporta ang centeriang Pilipino at Pilipina.

Ang mga pinarangalang senior citizens ay ininderso ng Social Welfare and Developement Office ng kani-kanilang local government unit, na kasama ang kaukulang Birth Certificate, Barangay Residency, larawan at kopya ng kanilang Senior Citizen ID.

Mon Antonio Carag III, Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.