Batangueño Artists, kinilala sa Kapitolyo

2019 Palarong Pambansa, CALABARZON Heroes Games medalists, tumanggap ng insentibo
July 16, 2019
Tapat na Batangueño na nagsauli ng mahigit sa kalahating milyon, binigyang parangal ng Kapitolyo
July 17, 2019

July 16, 2019

Bilang pagkilala sa mga nagsisilbing haligi ng sining sa lalawigan, ginawaran ng Certificate of Recognition ang Grupo Sining Batangueño (GSB) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas dahil sa mga gawain nilang naglalayong higit pang magpapayabong sa antas ng sining sa Batangas.

Pormal na pinarangalan ang GSB, na kinatawan ng mga visual artists na sina Virgilio Cuizon at Jorge Banawa, noong ika-15 ng Hulyo taong kasulukuyan sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Ang nasabing samahan ng mga Batangueno artists ay pinasalamatan din ng Batangas Culture and Arts Council (BCAC) – Visual Arts Sector, sa pangunguna ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, sa kanilang walang humpay na pagsuporta sa mga programa nito, kabilang ang taunang Lakbay Sining.

Bukod dito, kinilala rin si Mr. Banawa, sa kanyang nilikhang mural, na “Virtues of our Lives” na matatagpuan sa lobby ng People’s Mansion sa Kapitolyo.

Ang “Virtues of our Lives” ay isang obra na nagpapamalas sa limang katangian ng isang Batangueño, na kagandahan, kasipagan, katalinuhan, kagitingan at kapatangan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gov. DoDo Mandanas na inaasahan niya na, sa pamamagitan ng GSB, higit pang mahihikayat ang mga kabataang Batangueño na bigyang halaga ang sining at malinang ang mga talento ng mga ito. —Marinela Jade Maneja, Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.