Batangueña, Wagi sa 14th Word Cup-Philippines

Investment Opportunities sa Batangas ibinida ni Gov. DoDo sa U.S.
June 24, 2019
Father’s Day 2019, Ipinagdiwang sa Batangas Capitol
June 24, 2019

June 24, 2019

Kaugnay ng patuloy na pagpapamalas ng kagalingan ng mga kabataang Batangueño sa iba’t ibang larangan, binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, ang natatanging mag-aaral na si Princess Allyssa P. Plotado ng Barangay Dalig, Batangas City noong ika-24 ng Hunyo 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Ang 16-taong gulang, na incoming Grade 11 na mag-aaral ng De La Salle Lipa ay nagwagi ng Gold Award sa Editorial Writing, Silver Award sa Photo Journalism – FIVB Coverage, at Bronze Award sa Photo Journalism – Press Conference Category
sa 14th Word Cup Philippines Journalism Workshop and Contest na ginanap sa Faith Village Center, Boracay, Aklan noong Mayo 23 -25, 2019.

Si Plotado ay ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala at medalya ng mga opisyal ng Batangas Capitol. Pinapurihan naman ni Gov. Mandanas ang tagumpay ng Batangueña, na ipinahayag nitong magiging kabilang na sa mga iskolar ng pamahalaang panlalawigan. Shelly Umali – Batangas Capitol PIO / Photo: Karl Ambida

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.