Batangueña Palarong Pambansa Volleyball Champs, pinarangalan sa Kapitolyo

CALABARZON Disaster Management Officers nagpulong sa Batangas
June 7, 2019
Buntis Congress, isinagawa sa Tingloy
June 10, 2019

June 10, 2019

Sa nakaraang Palarong Pambansa 2019 na ginanap sa Davao City, nagkamit ng gintong medalya ang Elementary Volleyball Girls’ Team ng Region 4A.

Ang nasabing team, na nag-kampeon laban sa 16 na rehiyon, ay binubuo ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Lipa City, Padre Garcia, Lian, Malvar, Balete, Nasugbu, Batangas City, Bauan, at San Jose.

Ang mga batang atleta ay binigyang parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-10 ng Hunyo 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Pinangunahan ni Acting Governor Rowena Sombrano Africa, kasama ang ilang Board Members ng Sangguniang Panlalawigan, ang pagbati sa mga bata. Kabilang dito si 5th District Board Member Bart Blanco, na isa sa mga sponsors ng Region 4A delegation.

Sa pakikipag-ugnayan sa Provincial School Board – Scholarship Division, sa pangunguna ni Mrs. Merlita Pasatiempo, ang mga nag-kampeon ay nakatanggap ng medalya, Sertipiko ng Pagkilala, at cash incentive bawat isa.

MON ANTONIO A. CARAG III, BATANGAS PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.