Batangueña, Kinilalang Ulirang Ina National Awardee 2019

2019 Palarong Pambansa Elementary Basketball Champs, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan
May 20, 2019
Mother’s Day 2019, ipinagdiwang sa Kapitolyo
May 20, 2019

Ulirang Ina, Dangal ng Batangan. Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor Dodo Mandanas at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, si Gng. Francisca “Nini” Torres – Querrer ng Lungsod ng Tanauan na pinarangalan bilang 2019 Ulirang Ina National Awardee for Business and Industry noong nakaraang Mother’s Day, May 12, 2019, sa Manila Hotel. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

May 20, 2019

Ulirang Ina, Dangal ng Batangan. Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor Dodo Mandanas at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, si Gng. Francisca “Nini” Torres – Querrer ng Lungsod ng Tanauan na pinarangalan bilang 2019 Ulirang Ina National Awardee for Business and Industry noong nakaraang Mother’s Day, May 12, 2019, sa Manila Hotel. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Lumipas na ang panahon kung saan ang tungkulin ng mga ina ay nakapaloob lamang sa apat na sulok ng tahanan, at marami na sa mga ito ay namamayagpag na rin sa iba’t ibang larangan gaya ng sa public service, business, sports, at iba pa. Kaya naman, hindi matatawaran ang malaking kontribusyon ng mga ina sa bansa.

Kaugnay nito, binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, si Gng. Francisca “Nini” Querrer, na hinirang kamakailan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang 2019 Ulirang Ina National Awardee for Business and Industry, na malaking karangalan para sa buong lalawigan, noong ika-20 ng Mayo 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Si Gng. Querrer, na tubong Lungsod ng Tanauan, ay namulat sa pagnenegosyo sa murang edad dahil sa kanyang ina na si “Nanay Iska” Lat, na noon ay nagmamay-ari ng isang maliit na grocery store. Pinagsikapan itong palaguin ni Gng. Querrer, kaagapay ang kanyang kabiyak na si Engr. Benedict “Dick” Querrer. Ito ay naging isang supermarket na may apat na palapag at walong cash registers, mula sa datihang dalawang kaha lamang, at kilala na maging sa mga karatig-bayan na “Wrap and Carry Supermarket”.

Si Gng. Querrer, na naging konsehal sa nasabing lungsod noong 2004 hanggang 2007, ay kinilala sa pagiging isang role model bilang isang ina na naitaguyod ang kanyang pamilya at nakapagpatapos ng pag-aaral ng mga anak. Matagumpay din ito sa larangan ng pagnenegosyo at napalago ang tindahan ng kanyang mga magulang sa isang supermarket sa kasalukuyan.

Nagtapos ng BS Nursing sa Far Eastern University, si Querrer ay naging Presidente ng Rotary Club of Metro Tanauan, kasalukuyang namumuno sa Tanauan Micro, Small and Medium Enterprise Development Council, at pangulo ng Rice Retailers Association, na nagsusulong sa industriya ng bigas at nagmomonitor ng implementasyon ng mga regulasasyon sa mga retailers at distributors ng NFA rice.

Kinilala rin siyang Ulirang Ina ng Samahan ng Batangueña ng Timog Tagalog, Inc., na pinangungunahan ni Atty. Gina Reyes – Mandanas. – Shelly Umali & Marinela Jade M. Maneja, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.