Batangueña Green Stallion MVP, magiging Lady Tigress na

Vegetable production training, isinagawa ng Prov’l. Agri Office
June 17, 2019
Notice of Vacant Position
June 18, 2019

June 17, 2019

Hinirang na Volleyball Girls’ Most Valuable Player (MVP) sa nakaraang Palarong Pambansa 2019 sa Davao City si Samantha Hilary P. Maranan ng De La Salle Lipa, matapos pangunahan ang CALABARZON Heroes elementary team na mapanalunan ang kampeonato.

Ang 12-taong gulang na volleyball standout ay tubong Matabungkay, Lian, Batangas, at nag-iisang anak nina Gng. Marvilyn D. Pineza at Ginoong John S. Maranan.

Ayon kay Maranan, pinagbubuti niya ang pag-aaral at paglalaro ng volleyball “para masuklian ko ang paghihirap ng mama at papa ko, lalo na ang pagihirap ng lola at lolo ko sa pagpapalaki sa akin.”

Bunsod ng kanyang pagkakatanghal na MVP sa elementary division, maraming eskuwelahan ang nag-recruit kay Samantha, kabilang ang University of the East, University of the Philippines-Diliman, De la Salle-Araneta, De la Salle – Lipa, De la Salle-Antipolo, California International School, Lyceum of the Philippines-Laguna at University of Santo Tomas.

Nagdesisyon ang kaniyang pamilya na sa UST High School na siya magpapatuloy ng pag-aaral, kung saan magiging isang full athletic scholar si Samantha.

Binigyan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas si Samantha ng Sertipiko ng Pagkilala, medalya at cash incentive noong ika -17 ng Hunyo 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol site, Batangas City. MON ANTONIO A. CARAG III, BATANGAS CAPITOL PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.