Batangas Provincial Sports Complex, Pansamantalang Isinara sa Sports Activities

Notice of Award – Purchase of 150 vials of Remdesivir IV for use of COVID patients confined under Isolation at Batangas Province COVID Facilities
June 11, 2021
Supplemental APP January – June 2021
June 14, 2021

June 12, 2021

Pansamantalang isinara ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa publiko ang Batangas Provincial Sports Complex sa Bolbok, Lungsod ng Batangas simula noong ika-22 ng Marso 2021, bilang bahagi ng patuloy na pag-iingat laban sa COVID-19 virus habang ang ilang gusali sa nasabing pasilidad ay kasalukuyang ginagamit na isolation facility para sa mga asymptomatic patients.

Humingi ng pang-unawa sa publiko ang Provincial Assistance for Community Development( PACD) Office, ang tanggapang nagpapalakad sa Provincial Sports Complex kaugnay ng temporary closure sa mga sports facilities dito, kabilang ang sports coliseum, swimming pool, grand stand at track oval.

Ayon sa panayam kay PACD Youth and Sports Division Chief Arthur Caguitla, napagkasunduan ang isinagawang hakbang ng kanilang opisina, sa pangunguna ni PACD Department head Fredesvinda Mendoza, katuwang ang General Services Office (GSO), barangay officials ng Bolbok at Sta. Rita, Batangas City at iba pang mga katulong na tanggapan ng Kapitolyo, dahil din sa mga isinasagawang mga pagsasaayos sa mga pasilidad ng Sports Complex upang higit pa itong mapakinabangan ng publiko sa sandaling muli itong buksan.

Matatandaang dito ay idinadaos ang mga programang pang sports ng Deparment of Education (DepEd) katulad ng District Meet, Unit Meet, Division Meet, Provincial or Inter- Division Meet.

Ang nasabing pasilidad ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng PACD, katuwang ang GSO at Provincial Public Order and Safety Department (PPOSD), sa atas ni Governor DoDo Mandanas.

Jun Magnaye – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.