Batangas Provincial Social Welfare and Development Officer, Nag-ulat

Volleyball star Bryan Bagunas, bibigyan ng pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan
May 20, 2019
Pamamahagi ng Educational Assistance, ipinagpatuloy nang muli sa Kapitolyo
May 22, 2019

May 22, 2019

Ibinahagi ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa pamamagitan ng kanilang Department Head na si Ms. Jocelyn Montalbo, ang mga nagawa ng kanilang tanggapan para sa 1st Quarter ng 2019, kasabay ng Lingguhang Pagpupugay sa Watawat na ginanap noong ika-20 ng Mayo 2019 sa Provincial Auditorium, Batangas City.

Ilan sa mga mahahalagang naisagawa ng PSWDO ang pagbibigay ng Food and Non-Food items sa mga kababayang nasunugan sa Bungahan, Lian noong Pebrero 2019 at sa Sta. Clara, Lungsod ng Batangas noong April 2019. Kaugnay naman sa pagbibigay ng tulong pinansyal para sa mga pangangailangang Medical, Burial, Transportation o Balik Probinsya, Shelter at tulong sa OFW, mahigit 8,205 na ang naging mga benepisyaryo.

Nakapagbibigay rin ang tanggapan ng ayuda para sa 866 na mga pasyente sa Batangas Medical Center (BATMC) na nagkakahalaga ng P3.7M. Naipamahagi na rin ang honorarium ng mga Day Care Workers, Sectoral Group members, 1,037 Senior Citizen Brgy. Presidents at 2,503 Parent Leaders para sa nasabing panahon.

Bilang tagapagsulong sa pamahalaang panlalawigan para sa Women’s Empowerment, ilan sa mga proyektong kanilang pinangunahan ang Women’s Month Celebration, Women with Disability Day Celebration, Food Cart Livelihood Project, Manicure and Pedicure Training, Men Opposed to Violence Everywhere (MOVE) at partisipasyon sa Samahang Batangueña.

Para naman sa sector ng mga senior citizens, naging gawain ng PSWDO ang pagkakaroon ng Pabasa ng Pasyong Mahal, Cash Assistance to Centenarians o ang mga Batangueño na may edad na 100 taon, at pakikipagtulungan sa Office of Senior Citizens’ Affairs at Federation of Senior Citizens. Tuloy-tuloy din ang pakikipag-ugnayan at pag-alalay sa mga Batangueno persons with disabilities (PWDs) sa pamamagitan ng Persons with Disabilities Affairs Office at PWD Federation sa lalawigan.

Nakapagbigay din sa 242 beneficiaries ng P5,000 bawat isa o may kabuuang halaga na P1.2M para sa Pantawid Pamilya sa lalawigan. – Bryan Mangilin, Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.