Batangas Provincial Hospital Tumanggap ng Ultra-sound Machine mula Pilipinas Shell

Notice of Award – Purchase and Installation of Medical Equipment (Digital Radiography (DR) Retrofit System) for use of various hospitals in upgrading Analog X-ray Machine to Digital Radiography System re: Management Control on Corona Virus Disease 2019 (COVID-19)
September 16, 2020
Muling Pagbubukas ng BPLC, Tinalakay
September 17, 2020

September 16, 2020

Tinanggap ni Dr. Jessie Villanueva, Chief of Hospital ng Batangas Provincial Hospital sa Bayan ng Lemery, ang ultra-sound machine na donasyon ng Pilipinas Shell Foundation, Inc., na kinatawan ni Ms. Pauline Paguia, sa turnover ceremony na ginanap sa People’s Mansion, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas noong ika-16 ng Setyembre 2020. Naging saksi sa aktibidad sina (mula kaliwa) Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta; Mr. Angelo Villar, Chief of Staff ni Senator Bong Go; Provincial Administrator Levi Dimaunahan at Media Relations Manager, Mr. Cesar Abaricia. Batangas Capitol PIO / Photo: Francis Milla

Pormal na tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Health Office, ang isang ultra-sound machine na ipinagkaloob ng Pilipinas Shell Foundation, Inc. sa Batangas Provincial Hospital (BPH) sa Bayan ng Lemery noong ika-16 ng Setyembre 2020 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Ang donasyong medical equipment ay naisagawa sa pamamagitan ng Malasakit Center, na matatagpuan sa BPH, at tanggapan ni Senator Bong Go.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan, na kumatawan kay Gov. DoDo Mandanas, ang Pilipinas Shell sa patuloy nitong pagiging isang katuwang ng Lalawigan ng Batangas, hindi lamang sa larangan ng pagpapalakas ng ekonomiya, kundi pati na rin sa pagbibigay ng mga serbisyong panlipunan.

Binigyang-pansin din ni Ginoong Dimaunahan ang iniligay ng Shell na palaruan ng mga bata sa Batangas Sports Complex, nang gawing evacuation center ito ng daan-daang mga pamilya noong pumutok ang Bulkang Taal noong Enero nang taong ito.

Sa mensahe ni Pilipinas Shell Executive Director Sebastian Quiñones, Jr., binanggit niya ang mga corporate social outreach activities ng kanilang kompanya sa Lalawigan ng Batangas na nakatuon sa edukasyon, kalikasan, kalusugan at sanitasyon.

Malaki ang nagiging ambag ng Pilipinas Shell sa pamamagitan ng kanilang mga tuloy-tuloy na social outreach programs sa lalawigan, bukod pa ang kanilang mga donasyon para sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal; pagbubukas bilang shelter stations ng ilan nilang mga gas stations para makapagbigay ng emergency drinking water, first aid kits, at libreng mobile charging services; at pagkakaloob ng libreng fuel para sa mga gawaing may kinalaman sa disaster management ang response.

Nakabahagi sa turnover ceremony si Sen. Go, sa pamamagitan ng isang video message at ng kanyang Chief of Staff, Ginoong Angelo Villar, na nagdala rin ng 200 food pack para sa mga kawani at medical frontliners ng Batangas Provincial Hospital. Ibinahagi rin ni Villa ang planong paglalagay na isa pang Malasakit Center sa lalawigan bago magtapos ang taong 2020.

Ipinaabot naman ni Dr. Jessie Villanueva, Chief of Hospital ng BPH, ang kanyang pasasalamat sa Malasakit Center, na aniya ay malaki ang naitutulong sa mga pasyente sa mga gastusing medical.

Kabilang sa mga nakiisa sa aktibidad sina Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta; PHO Assistant Department Head, Dr. Gerald Alday; Pilipinas Shell Media Relations Manager, Mr. Cesar Abaricia; Shell Research, Information and Communications Officer, Ms. Paulene Paguia.

Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.