Batangas Provincial Development Council: African Swine Fever (ASF) ay “national threat”

P5M Educational Assistance, ipinamahagi sa Batangueño students
March 18, 2019
2nd Prosthesis Distribution, Assessment para sa mga Batangueño PWDs, isinagawa
March 20, 2019

March 19, 2019

Naalerto ang mga awtoridad sa balitang ang African Swine Fever (ASF) outbreak ay nakatawid na sa ASEAN Region, kung kaya’t pinaigting ng Pilipinas ang seguridad laban dito sa pamamagitan ng pagbabawal sa pag-angkat ng baboy sa pagsisikap na maprotektahan ang 200 bilyon pisong lokal na hog industry.

Kaugnay nito, minarapat ng Batangas Provincial Development Council (PDC) na bumalangkas at magpasa ng isang resolusyon bilang paunang aksyon ng mga stakeholders sa lalawigan kontra sa nakaambang krisis.

Matapos maipasa ang PDC Resolution No. 05-2019 o “Resolution Endorsing SCED Resolution No. 03-2019 Entitled: Resolution Endorsing to the Provincial Development Council the Consideration of African Swine Fever (ASF) as a National Threat/Emergency Concern”, inihain ng PDC, sa pamamagitan ni Council Secretary at Provincial Planning and Development Officer Benjamin Bausas, ang nasabing dokumento para sa kaukulang pagpapatibay ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas (SP).

Sa isinagawang 10th Regular Session ng SP noong ika-18 ng Marso 2019, inirekomenda ni Bokal Jesus H. De Veyra ng ika-apat na distrito at Chairperson ng Committee on Agriculture, na aprubahan ang PDC Resolution No. 05-2019, base sa masusing talakayan tungkol dito. Sinigundahan naman ang mungkahi ng mga kapwa mambabatas.

Binigyang-diin ni Bokal De Veyra na ang PDC Resolution ay kapaki-pakinabang na hakbang upang mapigil ang pagpasok ng ASF, na, hindi man direktang nakakaapekto sa mga tao, maituturing pa ring public health threat at food safety concern. ✐ Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.