Batangas Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office Nagbigay ng Ulat

Batangas Capitol, Awardee sa 2018 digitalcitiesPH Awards
October 15, 2018
Batangueño Sharp Shooter, Binigyang Pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
October 16, 2018

October 15, 2018

Isa sa mga pangunahing tungkulin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pagpapalago ng ekonomiya sa lalawigan. Kaugnay nito, iniulat ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Officer, Gng. Celia L. Atienza ang mahahalagang accomplishments ng kanilang tanggapan noong ika- 15 ng Oktubre 2018 bilang bahagi ng selebrasyon ng buwan ng Kooperatiba.

Inilahad nito ang mga ulat sa estado ng 319 kooperatiba sa Lalawigan ng Batangas na ang Total Members’ Equity ng mga kooperatibang ito ay umaabot sa P2.2 Bilyon at Total Assets na P6.5 Bilyon.

Nabanggit sa kanyang presentasyon ang ilang uri ng mga kooperatiba sa lalawigan, kabilang ang 212 na Multi-Purpose, 40 na Credit, 14 na Consumer, 15 na Agri-based, 10 na Marketing; at 28 na kabilang sa Labor & Water Service, Transport at Producers. Sa kabuuan, 13 ang kasama sa large cooperatives na nasa higit na P100 Milyon ang Members Equity; 59 ang Medium; 106 Small; at 141 ang Micro.

Ilan sa mga large cooperatives na nabanggit ay ang Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC) sa Lungsod ng Batangas, LIMCOMA Multipurpose Cooperative sa Lungsod ng Lipa, Ibaan Market Vendors and Community Multipurpose Cooperative ng bayan ng Ibaan, at Tuy and Community Multipurpose Cooperative sa Munisipalidad ng Tuy.

Kabilang sa mga tulong at programang naipatupad ng PCLEDO ang financial assistance para sa mga kooperatiba kung saan sila ay nakapagkaloob ng P10,000 sa 380 kooperatiba.

Nakatulong din ang tanggapan ng PCLEDO, simula July 2016 hanggang September 2018, sa pamamagitan ng “Funded Cooperative Projects” na nagkakahalaga ng P10,600,000 para sa 167 Cooperatives kung saan ito ay ginamit sa pagsasaayos ng buildings/offices at facilities at pagbili ng mga office supplies, equipments at inputs na ginagamit sa operasyon ng mga kooperatiba.

28 Cooperatives naman ang sumasailalim sa “Cooperative Loan Assistance” na may kabuuang halagang P12,950,000 at ginamit para sa dairy industry, micro-finance, livestock, water refilling at iba pang negosyong pangkabuhayan.

Ang tanggapan ay nakapagbibigay tulong rin sa individual beneficiaries sa pamamagitan ng “Individual Livelihood Assistance” kung saan 1,735 na mga indibidwal ang nabigyan ng P8,402,500 na ginagamit sa pagnenegosyo. Sa “Cattle Fattening Livelihood Project,” 25 Animal Farmers ang napagkalooban ng may kabuuang halagang P1,170,000. Nagsagawa rin sila ng 94 trainings & educational campaigns sa mga kooperatiba at mga grupo ng indibidwal na nagnanais maging kooperatiba kung saan ginugol ang P2,221,200. 📷 Jhay-jhay Pascua, ✎ Shelly Umali at Louise Mangiin, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.