Batangas Provincial Census Coordinating Board, nagtipon bilang paghahanda sa 2020 CPH

Batangas Health Program Ordinance, naipasa na
November 20, 2019
Ayuda sa mga kababayan, ipinamahagi ng Batangas Capitol
November 21, 2019

November 20, 2019

Kahalagahan ng Accurate Statistical Data, binigyang-diin ni Gov. DoDo

Nagsama-sama sa unang pagkakataon ang mga kasaping miyembro ng Provincial Census Coordinating Board o PCCB noong ika-20 ng Nobyemre 2019 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City bilang paghahanda sa isasagawang 2020 Census of Population and Housing (CPH) ng Philippine Statistics Authority (PSA), na layuning makapagbalangkas ng mga plano para sa maayos na daloy ng pagkalap ng mga datos.

Nabuo ang PCCB alinsunod sa naaprubahang Resolusyon Bilang 05 ng taong 2019 kung saan sa pamamagitan ng Philippine Statistics Board ay lilikha ng konseho o komitiba sa national, regional, provincial, city, at municipal levels, na tatalima sa Republic Act 10625 o mas kilala bilang Philippine Statistical Act of 2013 upang mangasiwa sa pagkakaroon ng mekanismo at pagpapabuti sa statistical coordination.

Si Governor DoDo Mandanas ang magsisilbing Chairperson ng Batangas PCCB, samantalang si Dr. Merthel Camaligan-Merana Evardome, Schools Division Superintendent ng Department of Education (DepEd) Batangas naman ang tatayo bilang Vice Chairperson. Kabibilangan ang komitiba ng mga miyembro mula sa iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, mga ahensya ng gobyerno, at pribadong sektor.

Tungkulin ng PCCB na mabigyan ng tulong ang PSA patungkol sa mga pasilidad, seguridad, publisidad, at logistik.

Ayon kay Provincial Statistics Officer Raul Maximo Tolentino, ang kanilang tanggapan ang gaganap bilang tagapamahala ng PCCB. Ipinaliwanag niya na ang makokolektang bagong impormasyon o updated statistical inputs at population and housing data ay malaking tulong sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan bilang batayan sa mga ipapatupad na programa at proyekto na kinakailangan para sa mga mamamayan.

Dagdag pa niya na ang isasagawang census collection ay nasasaklaw rin ng Batas Pambansa bilang 72, na nagbibigay ng awtoridad sa PSA na magsagawa nang pangangalap ng datos pagdating sa populasyon ng bansa.

Bukod dito, hindi aniya ito maiikonsidera bilang violation ng Data Privacy Act sapagkat may mga polisiya na gagabay sa kanila.

Samantala, ipinunto naman ni Gov. Mandanas ang kahalagahan at pagkakaroon ng accurate statistical data na magsisilbi umanong basehan at pundasyon ng napakaraming desisyon lalo na pagdating sa development planning.

Iminungkahi ng gobernador ang pagbalangkas sa isang methodology o pamamaraan upang mapagtugma ang mga nakukuhang records sa bawat tahanan sa lalawigan.

Inaasahasan naman ng Batangas PSA ang buong pakikiisa ng mga miyembro ng Provincial Census Coordinating Board para sa tagumpay ng 2020 Census of Population sa lalawigan.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.