Batangas Province PWD Officers nakiisa sa Regional Leadership Training, Teambuilding

1st Quarter accomplishments ng PPDO, itinampok
April 29, 2019
Batangas Environmental, Solid Waste Management Board Meetings, ginanap sa Kapitolyo
April 29, 2019

April 29, 2019

Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development – Region IVA ang isang Leadership Training and Teambuilding para sa Regional Federation of Persons with Disabilitities (PWDs) ng CALABARZON sa Cherry Blossom Hotel, Manila noong ika 25 – 26 ng Abril 2019.

Layunin ng pagtitipon na kilalanin ng mga dumalo ang kanilang mga lakas at kahinaan bilang isang tao at isang pinuno upang mas mapalakas at mahulma ang kanilang mga kasanayan sa pamumuno at upang talakayin ang kahulugan at halaga ng pamumuno sa grupo ng mga PWDs.

Kabilang sa mga dumalo mula sa Lalawigan ng Batangas sina Batangas Province Federation of PWD Associations President Nelson Adante at Persons with Disability Affairs Officer Edwin De Villa.

Nakiisa rin sina Regional Director Annie E. Mendoza, mga field officers at staff ng DSWD IV-A, PWD Officers, Person with Disability Affairs Office staff, at Local Government Unit (LGU) focal persons.

Tinalakay dito ang sitwasyon ng mga PWDs sa CALABARZON, mga batas patungkol sa mga PWDs, mga paksang may kinalaman sa self awareness, at leadership pagbuo ng team.

Ang bawat kalahok na PWD ay nagbahagi rin ng mga karanasan mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan, at kung ano ang mga naitulong at natutunan sa teambuilding. Shelly Umali – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.