Batangas Province, isa sa implementation sites ng Universal Health Care Law

Soroptomist International Ka-Batangueña, nanguna sa Mangrove Planting
September 10, 2019
Para sa Kaunlaran ng Power Sector Host – Communities
September 12, 2019

September 11, 2019

Pinangalanan kamakailan ang Lalawigan ng Batangas bilang isa sa mga pilot areas ng pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) law sa bansa.

Kaugnay nito, ipinasa ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas ang Provincial Health Board Resolution No. 01-19 o “Resolution endorsing that the Province of Batangas is one of the implementation sites of Universal Health Care to the Sangguniang Panlalawigan” noong ika-7 ng Setyembre 2019 sa Claro M. Recto Legislative Building Session Hall, Capitol Site, Batangas City.

Kabilang ang Batangas Province sa 33 na pilot implementation areas ng UHC, na masusing pinili ng pamunuan ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, ang mga nahirang na mga lalawigan at lungsod ay sang-ayon sa mataas na posibilidad ng tagumpay ng programa dito, at sa suporta at pagiging masigasig ng local chief executives nito na maisakauparan ang batas pang-kalusugan.

Ikinagalak ni Gov. DoDo Mandanas ang pagkakatalaga sa lalawigan bilang pilot implementation area ng UHC, lalo na at ang Health ay isa sa mga pangunahing tinututukan ng kanyang administrasyon, alinsunod sa H.E.L.P. Program.

Ang nasabing SP Resolution ay nagpapakita rin ng buong suporta ng pamahalaang panlalawigan sa katuparan ng tinatawag na landmark program para sa kalusugan ng lahat ng Pilipino.

Samantala, bilang pilot implementation area, inaasahan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na manguna sa integration ng health systems na ipatutupad sa buong lalawigan; at, maglaan, sa pamamagitan ng Provincial Health Board, ng pondo para sa pagpapaganap ng iba’t ibang health services, pagbibigay ng additional incentives para sa health workers, at mga kaugnay na serbisyo.

MARINELA JADE MANEJA, Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.