Batangas Province IATF Situation Report – April 20, 2020

Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Tuloy-tuloy ang Paghahatid ng Serbisyo sa Harap ng Banta ng COVID-19
April 20, 2020
PDRRMO Report: OFW Issue sa Lian, Naayos Din; 15 Bayan sa Batangas may COVID-19 Isolation Facilities Na
April 24, 2020

April 20, 2020

Sa patuloy na pagharap ng lahat sa krisis na dala ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ang Batangas Province Inter-agency Task Force (IATF), ay mas aktibo at pinalalawig pa ang mga ginagawang hakbangin upang magkaroon ng agarang pagtugon ang Lalawigan sa naturang pandemya.

Batay sa huling ulat, napagtalakayan ang mga sumusunod:

• Upang maiwasan ang pagkakaiba-iba ng datos, pagkalat ng maling impormasyon at mga balitang may kinalaman sa COVID-19, tanging ang Department of Health (DOH) lamang ang magiging opisyal na pagmumulan o batayan ng mga ilalabas na datos;

• Bilang paghahanda pa sa pagdami ng bilang ng mga kompirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan, ang pangangailangan para sa mga isolation facilities ay higit ring kailangang bigyan ng pansin. Sa ipinaabot na mensahe ni Governor DoDo Mandanas kay DOH – Center for Health Development IV-A Regional Director Eduardo C. Janairo, ipinabatid nito na nagawa na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang tungkulin nito upang matugunan ang pangangailangan sa pagkakaroon ng designated property na magsisilbing isolation facilities ng probinsya. Dagdag pa ng gobernador na ang mga itinalagang pasilidad ng Provincial Government ay handa na para sa operasyon ng DOH. Bukod dito, hindi na aniya sakop ng Kapitolyo ang pagpapatakbo ng naturang mga isolation facilities sapagkat ang pondong laan para sa operasyon nito ay ipinagkakaloob lamang sa mga bayan at lungsod, at ang probinsya, sa mismong sariling pondo nito, ay nakatuon lamang sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga District Hospitals;

• Mula sa naging mungkahi at mensahe ni Gov. Mandanas kay DOH Regional Director Janairo, nakatakda nang maghayin ang Sangguniang Panlalawigan ng isang resolusyon na magpapatibay dito at inaasahang maipapasa para sa agarang implementasyon;

• Nakatuon ngayon ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapalawig ng serbisyong medikal na inihahatid ng mga District Hospitals sa lalawigan kung saan 9 dito ang operational at 3 ang under decontamination. Upang maisakatuparan ito, binabalangkas na ang isang work program para sa guguguling pondo na mula sa Department of Budget and Management (DBM) – Local Budget Circular No. 126 dated April 13, 2020, na may kabuuang halaga na ₱140,694,668.

• Batay sa inilabas na advisory ng DOH, ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) o ang pasilidad na nagsasagawa ng Polymerase Chain Reaction (PCR) analyses ng mga specimens na nagmumula sa Batangas, ay pansamantalang magkakaroon ng tinatawag na scale down sa kanilang operasyon simula April 16 hanggang April 24, 2020. Ito ay upang ma-decontaminate ang mga pasilidad nito at masuri na rin ang mga kawaning nagtatrabaho rito. Dahilan naman ito para matigil ang pagtanggap nila ng mga samples o specimen collection mula sa probinsya. Sa kasalukuyan ay naghihintay na lamang ang lalawigan sa mga naunang naisagawang swab testing.

• Pinagtalakayan din sa pagpupulong na dapat ay magkaroon ng magandang ugnayan at komunikasyon sa pagitan ng pampubliko at pribadong healthcare facilities para sa mas epektibong referral system para sa parehong COVID-19 and non-COVID19 cases.

• Bilang pag-uulit at pagbibigay-linaw, base sa Center for Disease Control and Prevention (CDC), sa World Health Organization (WHO), at kay Dr. Jade Javier, Infectious Disease Specialist mula sa Batangas Medical Center, na nananatiling droplets (close contact) pa rin ang mode of transmission para sa causative agent ng COVID19 at walang pang sapat na ebidensya na ang naturang sakit ay airborne.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
5

Comments are closed.