Batangas Province History booklets, ipinamahagi

Pre-Marriage Counselling ng samahan ng Local Social Welfare and Development Officers, isinagawa
February 27, 2019
Notice of Vacant Position
February 28, 2019

Ani ng Sining. Isinagawa ang pamamahagi ng “Batangas: A Synopsis of Batangas History” booklets, isang proyektong pang-Sining at Kultura sa pagtutulungan Sangguniang Panlalawigan, Provincial Tourism Culture and Arts Office, at Provincial Library, sa mga kinatawan ng libraries sa Lalawigan ng Batangas na ginanap noong ika-28 ng Pebrero 2018 sa Museo ng Batangas, People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City. ✎ JunJun De Chavez/ Photo: JunJun De Chavez. – Batangas Capitol PIO

Kaugnay ng pagdiriwang ng National Arts Month noong buwan ng Pebrero, isinagawa ang pamamahagi ng mga booklets, na pinamagatang “Batangas: a Synopsis of Batangas History”, sa pagtutulungan ng Provincial Library at Provincial Tourism Culture and Arts Office noong ika-28 ng Pebrero 2019 sa Museo ng Batangas, Provincial Capitol.

Ang aklat ay nagtataglay ng kasaysayan ng Lalawigan ng Batangas, pinagmulan ng mga bayan sa lalawigan at mga bayani at pangunahing mga Batangueño, na may mahahalagang iniambag sa bayan. Ayon kay 6th District Senior Board Member Rowena Sombrano-Africa, ang may-akda at nagsulong sa ordinansa para sa proyektong ito, mahigit 25,000 kopya na ng nasabing libro ang nailimbag, simula nang ilunsad ito noong Disyembre 8, 2018, kasabay sa 437th Foundation Day celebration ng Lalawigan ng Batangas.

Ipinamahagi ang mga libro sa mga kinatawan ng mga libraries sa lalawigan, kabilang ang Balayan Municipal Library, Batangas City Public Library, Bauan Municipal Library, Rosario Municipal Library, Tanauan City Library, Lipa City Colleges, Lyceum of the Philippines University-Batangas, First Asia Institute of Technology and Humanities, Batangas State University, St. Bridget College, Kumintang Elementary School (Batangas City), Wawa Elementary School (Batangas City) at Malitam Elementary School (Batangas City).

Dumalo rin sa aktibidad sina 2nd District Board Member Arlene Magboo, at 5th District Board Member Claudette Ambida.

Taos-pusong nagpasalamat sina PTCAO Department Head, Atty. Sylvia M. Marasigan, at Provincial Librarian, Ms. Rosita Masangkay sa mga kumilos upang maisakatuparan ang nasabing projekto. Dagdag pa nila, simula pa lamang ito ng patuloy na pagkakaroon ng kamalayan sa kasaysayan ng lalawigan at patuloy na pagpapalakas ang kultura at sining dito. ✎ JunJun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.