Batangas PACD: Walang Tigil ang Serbisyo, Kahit may Pandemya

Capability Building ng Batangas PDRRMO, Tuloy-tuloy sa Kabila ng Pandemya
August 30, 2020
Notice of Vacant Position
September 1, 2020

August 31, 2020

Patuloy ang pagsisikap ng Tanggapan ng Panlalawigang Tulong sa Pagpapaunlad ng Pamayanan (PACD) na maipagpatuloy ang mga programa at proyekto nitong nakatuon sa pagtulong sa mga Batangueño, sa kabila ng mga banta ng kasalukuyang pandemya.

Ito ang binigyang-diin ni Ginang Fredesvinda Mendoza, ang department head ng tanggapan, bilang tugon sa hamon ni Gov. DoDo Mandanas na maging tuloy-tuloy ang public service ng Kapitolyo sa gitna ng mga pagsubok na dala ng COVID-19 virus.

Kasalukuyang isinasagawa na ng PACD ang Special Program for Employment of Students o SPES na siyang nagbigay ng oportunidad sa mga mahihirap na kabataan na makapagtrabaho sa pamahalaang panlalawigan at kumita upang makatulong sa kanilang pag-aaral.

On-going din ang online survey para sa mga kasalukuyang empleyado, mangagawang nawalan ng trabaho at mga naghahanap pa ng trabaho, na may layuning masuri ang kalagayan ng labor market at work force ng lalawigan para makagawa ng mga kaukulang programa para makatulong sa mga kababayan.

Kasabay nito, isinasagawa rin nila ang pamamahagi ng Provincial Assistance Program Against Covid 19 (PAPAC 19) Distribution Sheet para sa muling pamimigay ng ayuda sa mga Batangueño.

Idinaos naman sa Provincial Capitol noong ika-28 ng Agosto 2020 ang pamamahagi ng portable public address system sa mga City at Municipal Anti-Drug Abuse Councils, financial assistance para sa mga proyektong pambarangay at computer sets.

Noong araw ding iyon, sinimulan ang pagbibigay impormasyon tungkol sa isasagawang Provincial Service Incentive Program (PSI) Online Application, na magsisimula sa unang araw ng Setyembre.

Ang PSI ay bahagi ng proyektong maggagawad ng insentibo sa mga barangay functionaries na dating nagsilbi sa pamahalaan. Isasagawa ang online application upang hindi na magpunta sa Kapitolyo ang mga functionaries na pagkakalooban nito.

Batangas Capitol PIO – Elfie Ilustre

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.