Batangas LMP President Magiging Bahagi na rin ng COVID-19 Inter Agency Task Force

Batangas DOH Mag-iinspeksyon sa Isolation Facilities; PNP Personnel Sasailalim sa COVID-19 Patients Handling at Management
May 12, 2020
Lalawigan ng Batangas, Kabilang sa mga Moderate-risk Areas na Isasailalim sa GCQ
May 13, 2020

May 13, 2020

Sa regular na pagpupulong ng Batangas Province Inter-Agency Task Fore for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) noong ika-7 ng Mayo 2020 sa Provincial Health Office sa Lungsod ng Batangas, pormal na hiniling ni Gov. DoDo Mandanas na dumalo sa nasabing mga pagpupulong ang pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) – Batangas Province Chapter.

Ayon sa Batangas governor, ang presensiya ni LMP president, San Jose Mayor Valentino Patron, ay mahalaga dahil ang mga local government units ay may direktang katungkulan sa pagpayag at pagbabawal sa pagbiyahe ng kanilang mga kababayan at mga indibidwal na nagtatrabaho sa kanilang mga nasasakupan.

Binigyang-diin din ni Gov. Mandanas na ang pamahalaang panlalawigan ay susunod at tatalima sa mga national guidelines, kung sakaling mapapalawig o matatapos na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) pagkatapos ng Mayo 15, 2020.

Iniulat din sa nasabing meeting na masusing tinatalakay ang pagtatayo ng isang diagnostic center upang makatugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng mga Batangueño sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Magkatuwang naman ang Batangas PPO at Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) para sa maayos na pagsasagawa ng contact tracing. Nakatakda ring bigyan ng pagsasanay ng PESU ang police nurses para sa Oropharyngeal and Nasopharyngeal Swab (OPS/NPS) collection, kaugnay ng mass testing ng Batangas PPO personnel.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.