Batangas Law Enforcers, Health Authorities Sumailalim sa Contact Tracing E-System Technology Training

“Pagandahan ng Paligid at mga Pananim” Contest, Programang Hatid para sa Taal Evacuees
July 16, 2020
NOTICE TO THE PUBLIC
July 20, 2020

July 16, 2020

Isinusulong ng Philippine National Police ang paggamit ng teknolohiya upang mas epektibo nitong maisagawa ang contact tracing para sa mga indibidwal na nagkaroon ng direktang pakikisalumuha sa mga nag-positibo sa COVID-19 sa bansa.

Kaugnay nito, pinangunahan ni National Chief on Contact Tracing, Mayor Benjamin Mangalong ng Baguio City, ang Contact Tracing E-System Training para sa CALABARZON Police Regional Office, kasama ang mga Provincial, City & Municipal Health Officers, at Barangay Health Emergency Health Teams, sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-16 ng Hulyo 2020.

Sa presentasyon na inilatag ni Mayor Mangalong sa lupon ng pulisya at kinatawan ng mga lokal na pamahalaan, binigyang-diin nito ang magiging malaking pagbabago sa kasalukuyang sistema ng contact tracing na isinasagawa sa bansa.

Ipinakita dito ang mga hakbang na ipinapatupad niya sa Lungsod ng Bagiuo, kung saan epektibong naisasagawa ang contact tracing sa pamamagitan ng E-System, isang computer program na kanilang binuo kung saan ang mga input information and data ang basehan ng mga tagapagpaganap sa paglaban sa COVID-19.

Sa pamamagitan ng walong basic principles ng contract tracing na kinapapalooban ng seamless collaboration of law enforcement investigators and health authorities, transparency and speed, cognitive interviewing and Information collection, technology use (Analytical Tools and GIS Platform), successful communication technology, pro-active approach, Local Chief Executives approach, at extensive testing, napanatili ng Baguio City ang mababang bilang ng kanilang COVID-19 cases, kasabay ng epektibong quarantine measures, hanggang sa kasalukuyan.

Ang mga nabangit na proseso at teknolohiya ay ibabahagi sa mga PNP units at LGUs sa CALABARZON upang pagsanayan at maging basehan ng kanilang localized response approach para sa kanilang mga nasasakupang komunidad.

Kabilang sa mga dumalo sa okasyon sina Department of Health Region IV –A Local Health Support Division Chief, Dr. Noel G. Pasion; Batangas PNP Chief, Police Col. Rex Arvin Torres-Malimban; Police Brig. General Antonio C. Yara; Police Col. Rudolph B. Dimas; at Batangas Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, na opisyal na kinatawan ni Governor DoDo Mandanas.

Sa kasalukuyan, ang Rehiyon ng CALABARZON o Region IV-A ang pangalawang rehiyon na sumailalim sa ganitong uri ng pagsasanay na gagamitin sa malawakang pagtugon sa COVID-19 pandemic sa buong bansa.

E.V. Zabarte – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.