Batangas Joint Full Council Meet, nakasentro sa disaster readiness, crime and drug prevention, peace and development

MOA para sa kabahagi ng mga LGUs sa Lalawigan ng Batangas, nilagdaan ng Kapitolyo at mga Power Generation Companies
October 10, 2019
Solusyon sa Traffic, pinagtuunan sa Batangas Transport and Traffic Summit
October 11, 2019

October 10 , 2019

“Upang lalo nating maramdaman ang kaunlaran, kailangan bigyang halaga at tutukan ang kaayusan, kapayapaan , kahandaan at kaligtasan.”

Ito ang pambungad na pananalita ni Governor DoDo Mandanas sa harap ng mga dumalo sa isinagawang Joint Full Council Meeting of the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at Provincial Development Council (PDC) noong ika-9 ng Oktubre 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Sa pagbubukas ng pormal na pagpupulong, ipinaaalam ng gobernador sa mga kasapi ng konseho ang patuloy na pagbalangkas ng lalawigan ng mga programa para sa kahandaan sa kalamidad, na isinasagawa ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), na pinamumunuan ni Ginoong Joselito Castro.

Inilatag ni Castro sa lupon ang proposed utilization ng Local Disaster Risk Reduction Management Fund for 2020, na binubuo ng 5% ng kabuuang Provincial Budget o ?200, 537,602, na gagamitin para sa preparedness, protection and mitigation programs na tututok sa hydrometeorological hazards o panganib na dala ng mga malakas na bagyo at pagbaha. Kasama ring pinaghahandaan ang mga emerging and re-emerging diseases, tulad ng Dengue, Polio, Meningococcemia at African Swine Virus na malaki ang epekto at kapahamakan sa malaking bilang ng populasyon ng tao at hayop sa lalawigan.

Pinaiigting at pinalalakas din ang kakayahan at kasanayan ng mga tauhan ng PDRRMO, katuwang ang kanilang mga local counterparts sa mga 34 local government units ng lalawigan sa pagtugon sa mga sakuna sa pamamagitan ng pagbili ng mga makabagong kagamitan at patuloy na pagsasanay ng mga tauhan nito.

Sa hanay ng PPOC, isinulong ng Department of the Interior and Local Government – Batangas Province ang pormal na re-organization ng mga opisyal ng nasabing council, bunga na ng pagkahalal ng mga bagong opisyal ng mga lokal na pamahalaan noong Mayo 2019, ganun na rin ang ang hiling para sa pagbuo ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (TF – ELCAC) at komposisyon at gampanin ng 12 ELCAC clusters sa lalawigan.

Sa pagpupulong ng PADAC, ipinakita ng Batangas Provincial Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency ang kani-kanilang mga programa at isinagawang mga operasyon laban sa kriminalidad at droga sa lalawigan.

Sa hanay ng pamahalaang panlalawigan, naglaan ng halagang ?100 Milyon para sa drug rehabilitation program. Ipinaalala rin ni Governor Mandanas na ang laban sa droga ay dapat sama-sama o holistic approach, na nagsisimula sa gabay ng pamilya, tamang edukasyon at pangagalaga ng pamahalaan upang mapigilan ang mga kabataan na tumikim at malulong sa droga.

Sa talakayan ng PDC, ang pinakahuling konseho sa joint council meeting, naging tampok ang pag-apruba ng Annual Investment Program (AIP) ng Lalawigan ng Batangas para sa 2020, at ang pangatlong Supplemental AIP para sa 2019. Nagkaroon din ng pag-uulat tungkol sa Provincial Annual Budget para sa darating na taon. Kabilang sa mga iba pang ibinahaging mga reports ang patungkol sa mga proyektong naaayon sa mas malawakang kapakinabangan ng mga Batangueño, tulad ng Capability Building Programs para sa mga district hospitals, Provincial Transport and Management, Smart City o ang paggamit ng Information and Communication Technology para mapaginhawa ang buhay ng mga mamayan, at mga livelihood undertakings. /
Edwin V. Zabarte & VIA – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.