Batangas, Idineklara Bilang Lalawigan na may “Stable Internal Peace and Security”

Vaccination Roll-out sa Lalawigan ng Batangas, Nagsimula Na
March 12, 2021
11 Barangay sa Batangas Province, Kabilang sa Idineklarang Leftist Insurgents-free
March 13, 2021

March 12, 2021

Memorandum of Agreement, Nilagdaan ng mga Opisyal ng Batangas at Philippine Army

Pormal nang idineklara ang Lalawigan ng Batangas bilang isa sa mga lugar sa bansa na may “Stable Internal Peace and Security” matapos lagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) at mga kasaping stakeholders, at mga kinatawan ng Armed Forces of the Philippines noong ika-10 ng Marso 2021 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City.

Ang paglagda sa kasundaan, na nagsasaad ng joint military at government declaration, ay pinangunahan nina Batangas Governor at PPOC Chairperson DoDo Mandanas at 2nd Infantry Division, Philippine Army Major General Greg Almerol sa pamamagitan ng Audio and Video Teleconferencing at sinaksihan, mula sa hanay ng Kapitolyo, nina Assistant Provincial Administrator Colin Garcia, Provincial Public Order and Safety Department Head, Atty. Genaro Cabral, Provincial Social Welfare and Development (PSWD) Officer Jocelyn Montalbo, kasama ang iba’t-ibang opisyal ng militar at kapulisan, kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government, at ilang Local Chief Executives sa probinsya.

Nilalaman ng kasunduan na ang Batangas ay cleared na sa New People’s Army (NPA) influence, patunay sa ilang taong kawalan ng NPA violent activity sa lalawigan. Bukod dito, ipagpapatuloy din ng pamahalaang panlalawigan ang pagsasagawa ng mga aktibidad, sa tulong ng mga katuwang na ahensya, na pipigil sa panunumbalik ng presensya ng Communist Terrorist Group (CTG) sa probinsya.

Layunin ng kasunduan na maitaas ang lebel ng tiwala sa pamahalaan, hindi lamang ng mga Batangueño ngunit pati na rin ng mga mamamayan sa buong rehiyon ng CALABARZON, nang sa gayon ay mas mapaunlad pa ang socio-economic, political, at cultural na aspeto ng bawat komunidad o ng lipunan.

Ipinakita rin sa mga dumalo sa MOA signing ang mga recovered at captured CTG firearms at iba pang war materiel. Nakuha ito sa pamamagitan ng Joint Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police efforts at suporta ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan.

Samantala, ginanap din sa naturang pagtitipon ang ceremonial handover of support kung saan nagkaloob ang Batangas PSWD Office ng 10-kilos ng rice packs, food packs, face masks at face shield, at vitamins, bilang tulong sa pitong dating rebelde sa Eastern part ng Batangas.

Ang sandatahang lakas na kabilang sa aktibidad ay ang 2ID ng Philippine Army, at 730th Combat Group at 710th Special Operations Wing ng Philippine Air Force.

Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Francis Milla – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
11

Comments are closed.