Batangas Gender & Development Code, mas Palalakasin

Itinalagang Capitol Info Agents Pinulong
June 9, 2017
Gov. Dodo, Pinanguluhan ang RDC Calabarzon 2nd Quarter Full Council Meeting
June 9, 2017

Batangas Gender & Development Code. Ibinahagi ni Gender and Development (GAD) Committee Technical Working Group Chairperson Florita C. Lachica, Asst. Dept. Head ng Provincial Social Welfare and Development Office, ang iminumungkahing susog sa 2012 GAD Code sa Quarterly Meeting ng Provincial Committee on GAD noong May 30, 2017 sa People’s Mansion, Batangas Capitol, na pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas. (Inset) Kasama ni Gov. Mandanas ang mga kawani ng PSWDO na abala sa GAD implementation, sa pangunguna ni PSWDO chief Joy Montalbo (3rd mula kaliwa) at Asst. Dept. Head Flor Lachica (2nd mula kanan). Vince Altar / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Sa patuloy na pagsisikap ng Lalawigan ng Batangas na mapalakas at matibay ang Gender and Development Code na isinabatas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong March 2012, naglahad ng ilang mga proposed amendments o iminumungkahing pagsusog ang Provincial Committee on GAD.

Sa panayam sa GAD Committee Technical Working Group Chairperson Florita C. Lachica, ibinahagi niya na ang Pilipinas ang nangunguna sa South East Asian Region sa mga GAD initiatives, at hindi din magpapahuli dito ang Lalawigan ng Batangas kung ikukumpara naman sa ibang probinsya ng bansa.

Upang lalo pang mabigyan ng malawak na kakayahan ang mga nasasaklawan ng GAD Code, iminumungkahi ng Batangas GAD Technical Working Group sa Sangguniang Panlalawigan ang mga sumusunod na panukala:

1. Makapangalap ng mga datos o makuha ang bilang ng mga babaeng entrepreneurs sa lalawigan upang mas Makita at mabuo ang mga programang angkop sa mga ito;
2. Para sa mga Solo Parents, na babae o lalaki, na may mga anak na 10 taong gulang pababa, na mabigyan ng Flexible Time o Schedule sa kanilang mga trabaho – upang mas magkaroon sila ng wastong panahon at pagkakataon para sa mga gawaing may kinalaman sa kanilang mga anak;
3. Child Minding Center – isang lugar, na kahawig ng day care centers, kung saan maaaring iwanan ang mga anak na 3-taon pababa habang ang mga magulang ay nasa trabaho, na tutustusan ng pamahalaang panlalawigan.

Ang mga susog sa GAD Code ay nauna nang ibinahagi ng Technical Working Group sa Quarterly Meeting ng Provincial Committee on GAD noong May 30, 2017 sa People’s Mansion, Batangas Capitol, na pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas. Ang nasabing local na batas ay orihinal na iniakda nina Board Members Mabelle Virtucio at Divina Balba, at nilagdaang ordinansa noong March 1, 2012 noong termino ni Gov. Vilma Santos Recto. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.