Batangas Evacuation Center Groundbreaking sa Ibaan, Isinagawa

Notice of Award – Purchase of 110,000 Family Food Packs and 2,435 sacks of Sinandomeng rice, 25 kilos for Subsidy program to families affected by General Community Quarantine
April 14, 2021
Digital Shift at Information and Technology, Isusulong sa Mabilisang Pagtugon Laban sa COVID-19
April 16, 2021

April 15, 2021

Pormal na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at mga private sector partners nito ang groundbreaking ceremony ng ₱12.77 million Batangas Evacuation Center na itatayo sa Barangay Malainin sa Bayan ng Ibaan noong ika-14 ng Abril 2021.

Isinagawa ang naturang seremonya, sa pamamagitan ng online audio and video teleconferencing, upang pasimulan ang konstruksyon ng isang 2-storey, multi-purpose facility na layuning tumugon sa mga pangangailangan sa panahon ng kalamidad o sakuna.

Ang bagong evacuation center ng probinsya ay mula sa donasyong hatid ng Bank of the Philippine Islands (BPI) at BPI Foundation, Inc., sa pamamagitan ng proyekto nitong #TaaLove, isang donation drive na nabuo upang magbigay ng pangmatagalan at tuloy-tuloy na suporta sa mga komunidad na labis naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal noong nakarang taong 2020.

Ang pangangasiwa sa pagpapatayo ng multi-purpose facility ay pangungunahan ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF), isang major private sector vehicle at coordinator sa bansa na nagbibigay-daan at koordinasyon sa disaster management, sa tulong ng inisyatibo nitong Project Safe Shelters.

Naisakatuparan din ang Batangas Evacuation Center sa pakikipag-ugnayan ng mga pribadong organisasyon sa pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

Humigit-kumulang na 300 evacuees ang maaaring pansamantalang tumuloy sa pasilidad oras na magkaroon ng paglilikas, bunsod ng iba’t-ibang kalamidad tulad ng malakas na ulan, bagyo, at lindol.

Sa panahon ito ng pandaigdigang pandemya ng COVID-19, isinaalang-alang din sa pagbuo ng disensyo ng multi-purpose facility ang paggamit dito bilang isang health infrastructure facility.

Nakiisa sa virtual groundbreaking ceremony ang mga opisyal ng BPI at PDRF, kabilang sina BPI President Cezar Consing; Executive Director of BPI Foundation Owen Cammayo; Head of Sales and Service Channels of BPI Angelie King; PDRF President Butch Meily; at Executive Director of PDRF Veronica Gabaldon.

Buong-suporta rin sa gawain ang mga opisyal ng Kapitolyo, sa pamumuno ni Governor Mandanas, kasama sina Vice Governor Mark Leviste; Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Joselito Castro; Provincial Social Welfare and Development Officer Jocelyn Montalbo; Provincial Planning and Development Officer Benjie Bausas; Provincial Engineer Gilbert Gatdula; at Supervising Administrative Officer ng Provincial Information Office (PIO) Jenelyn Aguilera, bilang kinatawan ni Chief of Staff at PIO Head Maria Isabel Bejasa.

Mark Jonathan M. Macaraig / Jayne Elarmo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.