Batangas Environmental, Solid Waste Management Board Meetings, ginanap sa Kapitolyo

Batangas Province PWD Officers nakiisa sa Regional Leadership Training, Teambuilding
April 29, 2019
Drafting of IRR ng Transport and Road Usage Code sa Batangas Province, isinagawa
April 30, 2019

April 30, 2019

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Batangas Provincial Development Council, ang pinag-isang pagpupulong ng Sectoral Committee on Environmental Management (SCEM) at Provincial Solid Waste Management Board (PSWMB) noong ika-30 ng Abril 2019 sa Provincial Cooperative and Development Center sa Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at akademya, kasama ang mga environment and natural resources officers ng mga pamahalaang bayan at lungsod ng lalawigan.

Layon ng nasabing pagpupulong na maipabatid sa bawat dumalo ang patuloy na isinasagawang mga aktibidad ng PSWMB at ang resulta ng kanilang mga pag-ikot sa lahat ng local government units upang masigurong nakasusunod ang mga ito sa tamang pangangalaga ng kalikasan, batay sa mandato ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.

Sumasailalim sa kanilang masusing monitoring ang mga material recovery facilities (MRF), sanitary landfill facilities, at transfer stations; at, pagkakaroon ng Environmental Compliance Certificates (ECC) ng mga ito. Naging daan din ang pagpupulong upang makakalap ng datos tungkol sa water supply at sanitation services sa Batangas Province.

Ayon kay Provincial Government – Environment and Natural Resources Officer Luis Awitan, na siya ring Chairperson ng PSWMB, mahalagang magkaroon ng datos sa supply ng tubig at mga water concessionaires upang masigurong mapapangalagaan ang kalinisan, mataas na kalidad at kaligtasan ng inuming tubig ng mga Batangueño.

Nagbigay naman ng paalala si Batangas Environmental Management Bureau Officer Luisa Garcia, na simula ngayong buwan ng Mayo ay mas paiigtingin nila ang monitoring ng mga open dumpsites, sanitary landfills at controlled dumpsite facilities upang tiyakin na sumusunod ang mga lokal na pamahalaan sa itinatadhana ng batas.

Magiging puspusan din umano ang kanilang magiging pagbisita sa mga piggeries, poultries at mga resorts sa lalawigan upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa Clean Water Act at iba pang batas na nakatuon sa pangangalaga ng mga likas na yaman. Jhun Magnaye – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.