October 15, 2019
Nakiisa si Governor DoDo Mandanas sa ilang mga Elderly Week Celebrations na ginanap sa mga Lungsod ng Tanauan at Batangas noong ika- 8 at ika-10 ng Oktubre 2019.
Kasama ang mga miyembro ng Batangas City at Tanauan City Senior Citizens’ Associations at mga lokal na opisyal ng mga nasabing lungsod, ginanap sa mga nasabing okasyon ang pagbibigay pagkilala sa mga natatanging Centenarians o mga super Lolo and lola, na may edad na 100 taon pataas, at pagbabahagi ng mahahalagang naimbag ng mga tinaguriang natatanging mamamayan sa kasalukayang panahon at henerasyon ng mga Batangueño.
Sa gabay ng temang “Healthy Productive Ageing Starts with me,” ipinakita din dito ang mga presentasyon na tumalakay sa pangangalaga ng kalusugan, partikular sa kanilang mental health, at mga kaalaman o guidelines on the implementation of program and services for senior citizens and the status of the social pension program. Sa mga talakayang ito, ipinaalam ng mga kinauukulan ang mga bagong batas at mga polisiya na nagbibigay benipisyo at tutugon sa kanilang mga pangangailangan pinansiyal at panlipunan.
Ipinagdiwang din sa Batangas City ang 1st Regional Convention for Seniors Citizen of CALABARZON sa Hotel Pontefino sa Lungsod ng Batangas. Kasamang dumalo ng gobernador sa pang-rehiyong pagtitipon sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Jose Antonio Hernandez, DSWD Undersecretary Luzviminda Ilagan, DSWD Regional Director for CALABARZON Annie Mendoza, Batangas PSWDO Head Jocelyn Montalbo, at Batangas Province Office of Senior Citizens Associations Head Amelia Maderazo.
Edwin V. Zabarte, Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO