Batangas Capitol Scholarship Grants para sa SY 2020-21, Ipinamamahagi Na

Tulong sa Batangueñong Mag-aaral, Guro at mga Biktima ni Bagyong Rolly, Ibinahagi ng Ayala Foundation
November 9, 2020
Invitation to Bid – Purchase of 442 units of Laptop Computer to be distributed to selected teachers in the Division of Batangas; Purchase of 10,780 pieces of Colored Jacket with hood to be given to Barangay Officials of Batangas Province; Supply and Installation of One (1) lot CCTV Camera for Security use at the Provincial Capitol
November 11, 2020

November 10, 2020

Tagubilin ni Governor DoDo Mandanas na kinakailangang tuloy-tuloy ang pagbibigay ng financial assistance sa mga Batangueñong mag-aaral, sa kabila ng pandemya.

Kaya sinimulan na kahapon, ika-9 ng Nobyembre 2020, ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pamamahagi ng tulong pang-edukasyon sa mga iskolar ng Kapitolyo para sa 1st semester ng Academic Year 2020-2021 sa Provincial DREAMZONE, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

400 na mga estudyante ang naabutan ng ayuda na umabot sa mahigit ₱1.9 Milyon. 143 sa mga iskolars ay mga bagong aplikante.

Ayon kay Ginoong Cris Ramos, head ng Scholarship Division, patuloy ang pagproseso ng educational assistance para sa mga benepisyaryo ng Batangas Province Scholarship Program, at ang mga isinasagawang distribusyon ay alinsunod sa mga ipinag-uutos ng Provincial Task Fore Against COVID-19 na mga health protocols upang masiguro ang kaligtasan ng estudyante at kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Mon Antonio Carag III, Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.