Batangas Capitol Program Assessment, matagumpay na idinaos; Gov. Dodo, nagpasalamat sa kaniyang 75th Birthday

Transport and Road Usage Code sa Batangas Province, nilagdaan na
March 25, 2019
Batangas Tourism Media Circle, binuo ng Kapitolyo para sa local media practitioners
March 27, 2019

Our Goal, Our Accomplishment, Our Direction towards Rich Batangas. Isang masaya at makabuluhang pagtitipon ang ginanap noong ika-25 ng Marso 2019 kung saan naging matagumpay ang isinagawang Program Assessment at mga tampok na aktibidad. Makikita sa larawan (itaas na bahagi) ang taos-pusong pasasalamat ni Governor DoDo Mandanas sa patuloy na pagsuporta ng bawat isa sa layuning mapagyaman pa ang lalawigan at (ibabang bahagi) ang pagsasama-sama ng mga barangay volunteer partners ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa idinaos na pamamahagi ng 1st and 2nd Quarter Honorarium Distribution. Photo: Eric Arellano and JunJun de Chavez – Batangas Capitol PIO

Naging matagumpay ang isinagawang 2016 – 2019 Program Assessment ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na ginabayan ng temang “Our Goal, Our Accomplishment, Our Direction towards Rich Batangas”, noong ika-25 ng Marso 2019 sa Disaster Resilience Evaluation Alleviation Mitigation (DREAM) Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga miyembro ng iba’t ibang provincial councils sa lalawigan na nakatuon sa tuloy-tuloy na pagpapalakas ng mga economic, social, peace and order at environmental programs.

Naging pagkakataon din ito upang ipamahagi ang 1st at 2nd Quarter Honorarium ng mga barangay volunteer partners ng pamahalaang panlalawigan, kabilang ang mga barangay health workers, barangay nutrition scholars, at mga pangulo ng mga persons with disability (PWD) at senior citizens barangay associations mula sa 31 munisipalidad at 3 lungsod ng lalawigan.

Pinasalamatan ni Gov. DoDo Mandanas, na nagdiriwang noong araw na iyon ng kaniyang ika-75 taong kaarawan, ang lahat ng mga nakiisa sa kalahating araw na presentasyon at mga pagpupulong.

Sa harap ng mga tagumpay ng mga proyekto ng kaniyang administrasyon, binigyang-diin ng Batangas Governor na “..we’ve only just begun”; na patuloy na ipatutupad ang mga programang tunay na napakikinabangan ng mga Batangueño, partikular sa larangan ng kalusugan, edukasyon, kabuhayan, at pangagalaga sa kalikasan, buhay at mga ari-arian.

Ipinahayag din ni Gov. Mandanas na umaasa siya sa walang patid na pagsulong ng lalawigan dahil ang mga stakeholders mula sa pamahalaan at pribadong sector ay kumikilos ng sama-sama dahil “..we are family..”

Nakiisa sa pagtitipon ang mga opisyal ng pamahalaang nasyunal at local government units kabilang sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dating Spokesperson Harry Roque at former Speaker of the House of Representatives Jose de Venecia Jr., na binati at pinarangalan si Gov. Mandanas sa kaniyang kaarawan at sa mga naisakatuparang programa ng pamahalaang panlalawigan. Vincent Altar, Photo: Eric Arellano and JunJun de Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.