Batangas Capitol, Kaisa sa Pagdiriwang ng 120th Civil Service Anniversary

Notice of Award – Purchase of various medical supplies (Dental Handpiece Mist Collector, Examination Table etc.) for use of suspected and confirmed patients from isolation facilities (12 District Hospitals and Batangas Provincial Isolation Facility re: Management Control on Corona Virus Disease 2019 (COVID-19)
September 11, 2020
Kasunduan para sa Pabahay ng mga Batangueño, Nilagdaan ni Gov. Mandanas at Social Housing Finance Corp.
September 11, 2020

September 11, 2020

“Adapting to the new normal is a challenge to most of us, yet, the call to serve with utmost patriotism, integrity, excellence, and spirituality remain towards the ultimate goal of healing as one.”

Ito ang binigyaang-diin ni Batangas Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) Head Ms. Rhiza B. De Zosa sa kaniyang mensahe kaugnay ng pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagdiriwang ng ika-120 na taong Anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas.

Kasado na ang mga programa ng PHRMO at Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Committee na may layuning kilalanin at bigyang-parangal ang bawat isang kawani sa kanilang matapat at hindi matatawarang paglilingkod at paghahatid ng serbisyo publiko.

“This year’s celebration is an opportunity to honor and consider our public servants as our modern heroes”, ani Ms. De Zosa.

Sa gabay ng temang, “Philippine Civil Service @120: Public Sector in the Age of Digital Transformation”, isasagawa ang mga nakahanay na programa sa pamamagitan ng technology-driven procedures bilang pagtalima sa health and safety protocols na ipinatutupad ngayong panahon na humaharap ang lahat sa isang pangkalusugang krisis, ang COVID-19 pandemic.

Kabilang sa naturang aktibidad na tampok sa selebrasyon ay ang pagkilala sa mga natatanging empleyado ng Kapitolyo o Loyalty Awardees, na naglilingkod at nagbibigay na ng serbisyo sa loob ng maraming taon. Bukod dito, bahagi rin sa pagdiriwang ang pagpaparangal sa mga kawani na patuloy na nagpapamalas ng husay sa kanilang mga ginagampanang trabaho, na kinatatampukan ng iba’t-ibang kategorya tulad ng Outstanding Employee of the Year, Exemplary Behavior, Model Employee of the Year, at Governor’s Service Award na ipagkakaloob naman sa isang retiree.

Hatid pa rin ng PHRMO at ng komite ang pagkikila sa huwarang tanggapan, at Photography contest na magpapakita at sasalamin sa isang public servant sa panahon ng public emergency halimbawa na lamang sa pagtugon noong pumutok ang Bulkang Taal at ngayong panahon ng pandemya.

Sa aspeto ng pangkalusugan, katuwang ang Provincial Health Office, naglaan ang tanggapan ng Health and Wellness program o libreng serbisyong medikal para sa bawat isang kawani ng kapitolyo.

Ang PHRMO, ayon kay Ms. De Zosa, ay patuloy na nagsusumikap na mas maitaas pa ang antas sa apat nilang dibisyon na kinabibilangan ng (1) Recruitment, Selection & Placement, (2) Career Development, (3) Personnel Relations at (4) Records Management, na may layuning mapalawig pa ang pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat Capitol employees, na lahat ay alinsunod sa mga alituntunin, regulasyon, at batas na nasasaklaw ng Civil Service Commission.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Governor DoDo Mandanas sa bawat isang lingkod bayan ng pamahalaang panlalawigan bilang nagsisilbing katuwang sa paghahatid ng serbisyo sa bawat mamamayang Batangueño, lalo’t higit ngayong panahon ng pandemya. Malasakit o tunay na pagtulong sa kapwa umano ang kailangan upang maabot at agarang mabigyang katuparan ang magagandang adhikain para sa lalawigan.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.