Batangas Capitol, Government Top Employer ng Pag-IBIG Fund

Mga Kabataang Batangueño, Binigyang Parangal sa Kapitolyo
April 15, 2019
Notice of Vacant Position
April 15, 2019

Batangas Capitol, Pag-IBIG Top Employer. Tinanggap nina Gov. DoDo Mandanas at Provincial Administrator Levi Dimaunahan ang Plaque of Recognition mula sa Pag-IBIG Fund mula kay Provincial Human Resource Management Office Department Head Rhiza B. De Zosa noong ika-15 ng Abril 2019 sa Batangas Provincial Auditorium. Kinilala ng Pag-IBIG ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas bilang Top Employer in the Government Sector sa buong Timog Katagalugan sa Stakeholders Accomplishment Report (StAR) South Luzon Leg para sa taong 2018 noong ika-10 ng Abril 2019 sa The Crimson Hotel, Muntinlupa City. Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Kinilala ng Pag-IBIG Fund ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas bilang Top Employer in the Government Sector sa buong Timog Katagalugan, sa ginanap na South Luzon leg of the Stakeholders Accomplishment Report (StAR) para sa taong 2018 noong ika-10 ng Abril 2019 sa The Crimson Hotel, Muntinlupa City.

Ang nasabing recognition ay pormal at personal na iginawad kina Governor DoDo Mandanas at Provincial Administrator Librado G. Dimaunahan sa pamamagitan ni Provincial Human Resource Management Office Department Head Rhiza B. De Zosa noong ika-15 ng Abril sa Batangas Provincial Auditorium.

Binigyang pagkilala ng Pag-IBIG ang Provincial Government of Batangas bilang pasasalamat ng ahensya sa makabuluhang kontribusyon nito at pagiging bahagi sa tagumpay at record-breaking accomplishments noong nakaraang taon 2018.

Bukod pa rito, binigyang-diin din ng Pag-IBIG Fund ang mahusay na pagpapaganap na makapaglingkod ng Kapitolyo sa mga manggagawang Batangueños sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng isang matatag at tuloy-tuloy na benepisyo, alinsunod sa mandato ng ahensya.

Noong 2018, ang Pag-IBIG Fund ay nakapagtala ng record-high net income, sa halagang Php33.17 Billion, nakapagbigay ng Php75.3 Billion para sa housing loans, Php49.23 Billion sa short-term loans, at pinakamataas na savings collections sa halagang Php40.27 Billion.

Sa naging talumpati ni Governor Mandanas, sinabi niyang ang natanggap na Plaque of Recognition ay sumisimbolo sa nararapat na patuloy na aksyon ng pamahalaan sa pagbibigay ng benepisyo at pagpapaangat sa kalidad ng buhay, hindi lamang sa bawat isang kawani ng Kapitolyo, kundi pati na rin ng bawat Batangueño. Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.