Batangas Capitol, Gov. Dodo: Hinihikayat ang mga Batangueño na Makiisa sa Earth Hour

₱150 Milyong Halaga ng Insentibo at Ayuda, Dagdag Suporta ng Lalawigan Ngayong may Pandemya
March 26, 2021
COVID Cases sa Capitol, Umabot sa 54 na Kawani
March 30, 2021

March 27, 2021

Source: WWF, Hard Rock, Internet

Hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa patuloy na direktiba ni Governor DoDo Mandanas, at sa pamamagitan ng Provincial Government-Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) ang lahat na makiisa sa gaganaping “Earth Hour” ngayong Sabado, ika-27 ng Marso 2021, ganap na ika- 8:30 ng gabi, kung saan sabay-sabay na papatayin ang mga ilaw na mula sa kalye, gusali, bahay, signages at iba pang pinanggalingan ng liwanag upang maging madilim ang buong paligid.

Ito ay isang taunang gawain na layong lumikha ng kamalayan sa patuloy na pagkasira ng kalikasan at pagbabago ng klima sa buong mundo.

Espesyal ang taong ito, sapagkat isasagawa ang kauna-unahang “Earth Hour” na “Virtual Spotlight”. Ibig sabihin, sa loob ng isang oras na madilim ang paligid, inaanyayahan tayo ng earthhour.org na makiisa sa pagpapalaganap ng kamalayan sa climate change at pagkasira ng kalikasan sa pamamagitan ng pagpo-post online o pagpapakita ng mga kaugnay ditong mga isyu at pangyayari na nagaganap sa inyong mga komunidad. Layunin nitong mabigyang-diin na ang mga problema sa kalikasan at kapaligiran ay nagaganap sa lahat ng bahagi ng mundo, at anumang bansa o bayan.

Iniimbitahan din ang lahat ng earthhour.org na i-follow ang kanilang mga social pages na: Instagram – @EarthHourOfficial; Facebook – @EarthHour; Twitter – @EarthHour; at, YouTube – Earth Hour, kung saan may ipalalabas silang isang “must-watch” video sa oras ng Earth Hour.

Batangas PG-ENRO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.