Batangas Amity Tower sa Capitol Community Park, May Plano Na

Ibaan Blood Olympics, Tagumpay
July 20, 2017
Pagsasanay Para sa Trabaho at Hanapbuhay, Handog ng DSWD para sa Batangueño
July 21, 2017

July 20, 2017

Kabilang sa mga nakakasang proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na inaasahang magbibigay ng maraming trabaho at magpapalakas ng lokal na ekonomiya, ang Batangas Amity Tower na iminumungkahing itayo sa isang bahagi ng Community Park sa Kumintang Ibaba, Lungsod ng Batangas.

Ang mixed-use, 38-storey building ay inaasahang maisakatuparan sa pamamagitan ng private public partnership, grant o joint-venture agreement upang maipagawa ng walang magagastos ang pamahalaang panlalawigan. Bagkus, tinatayang magbubukas pa ito ng maraming employment opportunities para sa mga Batangueño, mula sa konstruksyon hanggang sa aktuwal na operasyon.

Ang iminumungkahing gusali, na tinagurian ni Gov. Dodo Mandanas na Batangas Amity Tower, Anchor of Noble and Great Achievements and Success o BATANGAS, ay itatayo sa 3,900 square meter – area ng Community Park, na may kabuuang sukat na mahigit 21 square meters.

Sang-ayon sa master plan na iginuhit ng Provincial Engineering Office, magiging multi-purpose ang building na may lugar para sa commercial use, convention halls, recreational / leisure facilities, hotel at suite rooms. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.