“Bantayog ng Wika” Iminumungkahing Itayo sa Kapitolyo

Batangas Provincial Library, 4th Placer sa 2017 Outstanding Public Libraries Search
November 27, 2017
Araw ng mga Magsasaka, Matagumpay na Idinaos
December 1, 2017

November 30, 2017

Isang eskultura na tatawaging “Bantayog ng Wika” ang pinaplanong itayo sa Marble Terrace ng Kapitolyo ng Batangas.

Kaugnay nito, inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas noong ika-27 ng Nobyembre 2017 ang isang Resolusyon na pormal na nagbibigay ng pahintulot kay Gov. Dodo Mandanas na makipagkasundo sa Komisyon ng Wikang Filipino, sa pamamagitan ng isang Memorandum of Understanding, para sa nasabing proyektong pansining.

Sa Resolusyong inisponsor ni 5th District Board Member Claudette Ambida Andal, ang chairperson ng Committee on Tourism, Culture and Arts, nais ng KWF na makapaglagay ng isang konkretong simbolo ng mga katutubong wika sa Kapitolyo ng Batangas Province dahil maituturing daw na ang Tagalog ng Batangas ay kawangis ng sinaunang wika sa rehiyon kung kaya’t ang lalawigan ay sentro ng wikang Tagalog.

Ang bantayog, na proyekto KWF na pinangungunahan ni National Artist Virgilio Almario, ay inilalarawan na nakuha ang inspirasyon mula sa kawayan, all-weather at tinatayang nasa 10 talampakan ang taas.  Christine Santos – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.