Banta ng Pesteng Kurikong sa mga Manggahan Tinutukan ng Provincial Agri Office

Philippine Bidding Documents
August 6, 2021
Higit 500 na Seedlings Itinanim sa Taysan, Batangas
August 7, 2021

August 7, 2021

Dahil malaki ang banta ng pesteng Cecid Fly o Kurikong sa produksyon ng mangga sa Lalawigan ng Batangas, patuloy ang pagsasagawa ng pagsasanay tungkol sa Cecid Fly Control Measures sa pamamagitan ng High Value Crops Development Program ng Department of Agriculture CALABARZON.

Ang kurikong ay isang mapanirang insekto na nangingitlog sa bunga at murang dahon ng mangga, na kinakain ng mga napipisang larvae nito.

Bahagi ito ng programang rehabilitasyon kasama ang mga magsasaka at stakeholders ng mango industry sa buong Batangas Province, na tinuturuan ng mga makabago at tamang paraan sa pagsugpo ng naturang peste.

Isinagawa ang pagsasanay sa Old Coop Building ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa Bolbok, Lungsod ng Batangas noong ika- 28 ng Hulyo 2021.

Jayne Elarmo / Photo: Provincial Agriculture Office – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.