Bagyong Rolly Situation Briefing and Planning, November 1, 2020 (8:30 AM)

Mga Proyektong Handog ng Batangas Provincial School Board, Isinasagawa
November 1, 2020
Pinsala ng Bagyong Quinta sa Agrikultura at Pangisdaan sa Lalawigan ng Batangas, Umabot sa higit ₱990 Milyon
November 1, 2020

November 1, 2020

TINGNAN: Agarang nagsagawa ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), ngayong araw, ika-1 ng Nobyembre 2020, ganap na 8:30 ng umaga, ng briefing at planning kaugnay sa sitwasyon ng Lalawigan ng Batangas sa kasalukuyang pagharap sa nararanasang bagyong #RollyPH.

Sentro ng pagpupulong ang magkaroon ng maayos na monitoring at pagbibigay ng update, alinsunod sa direktiba ni Gov. DoDo Mandanas na maiparating ang mga kinakailangang impormasyon sa mga mamamayang Batangueño.

Tinalakay ng tanggapan na magkakaroon ito ng Situational Report tuwing 11 AM, 5PM, 11 PM, at 5 AM kinabukasang araw.

Bukod dito, palalakasin pa umano ang komunikasyon sa mga LGUs ng probinsya pati na rin sa mga kaagapay na National Agencies tulad ng Coast Guard, PNP, at Air Force.

Pinag-usapan sa isinagawang pagpaplano ang kahandaan sa pagbibigay ng mga pangunahing paalala para sa mga magiging epekto o posibleng pinsala ng bagyo gaya na lamang ng pagguho ng lupa o landslide at matinding pagbaha.

Tiniyak naman ng PDRRMO at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang estado ng mga evacuation centers sa lalawigan na maaaring pansamantalang tuluyan ng mga maaapektuhang pamilya o indibidwal.

Kaugnay nito, dahil pa rin sa nararanasang pandemya ng COVID-19, nagpaabot ang safety officer ng PDRRMO ng isang mensahe kung saan ipinaalala na panatilihin pa rin ang physical distancing sa kabila ng nararanasang kalamidad.

Sa naganap na situation briefing at planning, ipinararating ng PDRRMO na maging alerto ang lahat sa mga darating na oras kung saan aasahan ang malakas na bugso ng hangin at ulan.

Nagbigay update ang Operations Division ng naturang tanggapan ng mga lugar na may mataas na posibilidad ng pagkakaroon ng landslide at pagbaha sa mga bayan ng Agoncillo, Alitagtag, Balayan, Balete, Bauan, at Calatagan, at maging sa Lungsod ng Batangas.

Mararanasan ang kritikal na sitwasyon ng bagyong Rolly sa pagtahak nito sa bayan ng Talisay papuntang Tagaytay City, Cavite mamayang 9 PM hanggang 2 AM.

Samantala, handa na ang mga kagamitan ng PDRRMO para sa mabilisang pagresponde at pagtugon sa oras ng pangangailangan.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.