Bagong Surgery Building ng Batangas Medical Center, Pinasinayaan

Mga programa ng Mandanas Administration para sa Edukasyon, Tinalakay
August 23, 2018
Ika-8 Bantayog Wika sa Pilipinas, Pinasinayaan sa Lalawigan ng Batangas
August 24, 2018

Kaakibat sa Pagsulong ng mga Programang Pangkalusugan. Pormal na binuksan ang Surgery “B” Building ng Batangas Medical Center (BatMC) noong ika-24 ng Agosto 2018, na dinaluhan nina Gov. Dodo Mandanas; Provincial Health Officer Dr. Rose Ozaeta (kaliwa); Dr. Eduardo Janairo, Regional Director ng Department of Health Region IVA (2nd mula kanan); DoH Assistant Secretary Maria Francia Laxamana (3rd mula kanan); at BatMC Medical Center Chief, Dr. Ramoncito Magnaye (2nd mula kaliwa). Jenny Aguilera / Photo: Eric Arellano - Batangas Capitol PIO

August 24, 2018

Kaakibat sa Pagsulong ng mga Programang Pangkalusugan. Pormal na binuksan ang Surgery “B” Building ng Batangas Medical Center (BatMC) noong ika-24 ng Agosto 2018, na dinaluhan nina Gov. Dodo Mandanas; Provincial Health Officer Dr. Rose Ozaeta (kaliwa); Dr. Eduardo Janairo, Regional Director ng Department of Health Region IVA (2nd mula kanan); DoH Assistant Secretary Maria Francia Laxamana (3rd mula kanan); at BatMC Medical Center Chief, Dr. Ramoncito Magnaye (2nd mula kaliwa). Jenny Aguilera / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Nakiisa sina Batangas Governor Dodo Mandanas at puno ng Tanggapan ng Panlalawigang Pangkalusugan na si Dr. Rosvilinda M. Ozaeta sa Inauguration at Ribbon Cutting Ceremony ng Surgery “B” Building ng Batangas Medical Center (BatMC) noong ika-24 ng Agosto 2018.

Naging Keynote Speakers sa programa sina Dr. Eduardo Janairo, Regional Director ng Department of Health Region IVA, at DoH Assistant Secretary Maria Francia Laxamana. Nagpaabot din ng mensahe sa mga dumalo sina BatMC Medical Center Chief, Dr. Ramoncito Magnaye, at Medical Professional Staff Chief, Dr. Maritess Teresita Torio.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Governor Mandanas na ang pagpapatayo ng nasabing gusali ay malaking tulong sa lahat lalo na sa mga mahihirap. Ibinahagi rin ng gobernador na bilang Chairperson ng CALABARZON Regional Development Council, naghain ito ng isang proposal sa national government upang mas mapalawig pa ang naipapaabot na tulong sa BatMC, kabilang ang pagpapataas ng Capital Outlay na makakatulong sa pagkakaroon ng mas marami pang kagamitang medikal na magpapataas ng antas ng serbisyong pangkalusugan. ✐Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.